OSL Kabanata: 28

7.2K 293 29
                                    

Kinabukasan, maagang natapos ang klase ni Nicole. Walang ganang naglakad ang dalaga patungo sa parking lot, at makalipas lamang ang ilang minuto ay agad din naman niyang narating ang kanyang sasakyan.

Sandali niyang ginalugad ang susi sa kanyang bag, at ganoon na lang naalerto ang kanyang ulirat nang biglang may humintong puting van sa harap ng kanyang kotse.

Mas nanlaki naman ang mga mata ni Nicole, nang biglang bumukas ang nasabing sasakyan at bumungad sa kanyang harapan ang dalawang lalaki na nakasuot ng itim na robber mask. Balot na balot ang buong katawan ng mga ito, na aakalain mo ay mga bank robbers dahil sa suot nilang black jumpsuits with matching gloves pa.

"Move! Move!" nagmamadaling usal ng isang baritonong boses na lalaki, na siyang maagap na humablot sa kaliwang braso't pulsuhan ng dalaga.

"T-teka! S-sino kayo?!" utal na singhal ni Nicole, bago pilit binabawi ang kanyang pulsuhan.

Mabilis din namang hinawakan ng isa pang lalaki ang kanang braso ng dalaga, bago ito sapilitang binitbit papasok sa loob ng puting van.

"B-bitawan n-niyo ako!" bulyaw pa ni Nicole. "Tulong! T-tulungan niyo ako!" pagpupumiglas niyang anas, habang pilit na kumakawala sa mga ito.

Mabilis ang mga naging pangyayari at naisakatuparan ng mga kalalakihan ang balak nitong pagdakip kay Nicole, "Let's go! Let's go!" sambit nang isa sa mga ito na siyang katabi ng dalaga, bago maagap na isinara ang nasabing sasakyan.

"Pakawalan niyo ako! Mga punyemas kayo!" hasik ni Nicole, saka pinaghahampas sa ulo ang lalaking nakaharang sa pintuan ng van.

"Stop it!" biglang bulyaw nito sa dalaga, na siyang pumaloob sa bawat sulok ng sasakyan.

Mabilis namang natigilan si Nicole sa biglang pagsigaw nito, at kasabay ng kanyang pananahimik ay siya ring hudyat ng pagbagsakan ng kanyang mga luha.

"A-ano bang k-kailangan niyo sa akin?" humihikbing saad ng dalaga bago pinalis ang kanyang mga luha sa pisngi. "K-kung manghihingi kayo ng ransom sa mga magulang ko, ako na ang n-nagsasabi sa inyo na mamumuti lang ang mga eyeballs niyo, d-dahil hindi kami mayaman." mahabang litanya pa ng dalaga.

Wala naman siyang nakuhang sagot mula sa mga ito. Kaya't mabilis siyang nag-isip ng paraan para matakasan ang mga kalalakihan. Ngunit nang akmang tangkain niyang hablutin ang pintuan ng van, ay agad siyang sinuway ng lalaking nakaharang dito.

"Don't you dare, Nicole." maawtoridad na saad ng binata, bago tinapik ang kanyang kamay para alisin sa door handle.

Muli namang natigilan ang dalaga sa sinabi nito at segundo lang ang lumipas nang magsimula ulit siyang maghisterikal, "Letsugas ka! Palabasin mo ako rito!" sigaw niya at muling pinaghahampas ang lalaki sa kanyang kanan.

Maagap namang hinuli ng lalaking nasa kaliwang upuan ang dalaga sa mga braso nito sabay sabing, "Tama na..." pagpipigil nito. "G3, pakilagyan na ng blindfold, hurry up!"

Mas nagulat naman si Nicole nang mapagtantong may isa pa palang lalaki sa likod ng nasabing sasakyan, "Shoot! Apat silang lahat?" kinakabahang saad ng dalaga sa kanyang sarili.

Naisip niya na bukod pala sa driver at dalawang mokong na katabi niya ay may isa pa palang lalaki, na hindi man lang niya napansin kanina dahil sa sobrang pakikipagbuno niya sa mga binatang humablot sa kanya papasok sa van.

One Sided Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon