OSL Kabanata: 10

9.7K 356 21
                                    

Bago pa man makasakay ng jeep si Nicole ay may mabilis na kotse ang humarang sa kanyang harapan. Mabuti na lang at alerto ang kanyang isip at pakiramdam, kaya't mabilis niya itong naiwasan.

"G*go 'to ha!" iritableng saad ni Nicole bago hinampas ang hood ng kotse nito. "Hoy! Hindi mo pag-aari ang kalsada noh! Bumaba ka d'yan!" nag-aamok pa niyang anas dito.

Hindi maaninag ng dalaga ang loob ng sasakyan dahil tinted ang mga bintana nito. Mabilis pa niyang kinatok ang driver's seat, dahil alam niyang nakikiramdam lang din ang taong sa loob nito.

Laking gulat na lang niya nang biglang magbaba ng bintana ito't masilayan ang mukha ng isa sa varsity player ng FTHS, walang iba kundi si Dennis.

"D-dennis?" kunot noo niyang sambit dito.

"I'm so sorry hun, I did not notice that you were going to cross the street." konyong turan nito saka siya kinindatan. "Hop in... Wait what was your name again?" dagdag pa ni Dennis with his boyish grin.

"Tsss... Letsugas!" tanging bulyaw lang niya rito at nang akmang lalampasan na ng dalaga ang sasakyan nito ay bahagya itong umabante. "Tarantado ka pala eh! Balak mo ba talaga akong sagasaan?!" inis pa niyang saad dito saka pilit hinahablot ang mukha ni Dennis sa loob ng sasakyan.

"Hahaha! Sabi ko sumabay ka na sa akin, hatid na kita sa bahay niyo, Miss Letsugas." tatawa-tawang alok nito habang umiiwas sa panghahablot ng dalaga.

Mabilis naman itong tinigilan ni Nicole sabay sabing, "Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para makisakay sa sasakyan ng manyak noh!" singhal niya rito at mabilis na tumakbo para makasakay ng jeep.

Nang makasakay ay mabilis siyang umupo sa bandang labasan nito bago nilingon ang binata saka ito binelatan, "Neknek mo!" sigaw pa niya rito habang papalayo na ang pampublikong sasakyan.

Hindi naman nagtagal ay mabilis nakababa ng jeep si Nicole. Masayang naglakad ito papasok sa kanilang subdivision habang hawak-hawak pa ang makabilang strap ng kanyang backpack.

Habang naglalakad ay biglang pumasok sa isipan ni Nicole, ang nangyari kanina sa kanyang kaibigang si Raine. Nakaramdam siya ng awa para kay Josh, dahil alam niyang nasaktan ito sa pagiging magkasintahan nina Raine at Icarus.

Meron pa rin siyang nararamdam sa binata ngunit hangga't maaari ay hindi na niya ito binibigyan pa ng pansin, para hindi na rin siya mag-expect in return.

"Hmpf! Masyado kasing pinipilit ang sarili sa iba, nandito naman ako." saad ng dalaga habang patuloy pa rin sa paglalakad. Nang mapagtanto niya ang kanyang naisambit ay dagling namilog ang mga mata ni Nicole saka ipinilig ang kanyang ulo para waksihan ang isipin na iyon.

"Patawa ka talaga Nicnic, pareho lang naman kayo ni Josh ah. Pinipilit mo rin naman 'yung sarili mo sa kanya." wika ng isang bahagi ng kanyang isip.

"At least ako nananatiling lihim, walang masasaktan kung walang makakalaam." pangongontra lang niya sa kanyang konsensiya.

Nagpatuloy lang si Nicole sa kanyang paglalakad at ganoon na lang napahinto ang kanyang mga paa, nang makita ang pigura ng taong tumatakbo sa kanyang isipan kani-kanina lamang. Nakaupo ito sa gutter malapit sa kanilang gate, na halatang malalim ang iniisip.

"J-josh?" tawag niya rito dahilan para mag-angat ito ng tingin. "A-anong ginagawa mo rito?" wala sa sariling tanong niya.

Mabilis naman itong tumayo bago pinagpag ang kanyang pantalon, "N-nicnic... Pwede ba tayong mag-usap?" malungkot na turan ng binata habang malamlam ang mga mata.

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now