OSL Kabanata: 23

7.5K 316 53
                                    

Continuation:

Mabilis na nilisan ni Nicole ang gymnasium, habang patuloy sa pagbuhos ang kanyang mga luha. Ilang beses pa niyang narinig ang pagsambit ni Dennis sa kanyang pangalan, ngunit hindi niya ito binigyang pansin, dahil mas nananaig sa kanyang kalooban ang sakit na kanyang nararamdaman ngayon.

Dala ng kanyang matinding hinanakit para sa binata't mga luhang tumatabing sa kanyang mga mata'y, hindi namalayan ni Nicole na may sasakyan na paparating na siyang sasalubong sa kanya.

Pikit matang hinintay na lang ng dalaga, ang pagsalpok ng nasabing sasakyan. Ngunit segundo pa ang lumipas nang mangunot ang kanyang noo. Dahan-dahang iminulat ni Nicole ang kanyang mga mata, at mas naluha dahil sa pigura ng taong kanyang kaharap na ngayon.

"J-josh..." humihikbi niyang saad dito.

Mabilis namang hinagkan ni Josh ang dalaga dahil sa matinding kabang kanyang naramdaman, nang bigla itong sumulpot sa harap ng kanyang sasakyan, "God! Bakit ka ba bigla-biglang tumatawid!" galit na anas nito, ngunit mababatid mo ang pag-aalala sa boses ng binata.

Matapos maisambit ni Josh ang mga katagang iyon ay mabilis siyang humiwalay sa dalaga't saka hinawakan ang magkabilang balikat nito, para alamin ang kalagayan ni Nicole, "Are you alright? May masakit ba sayo?" punong-puno nang pag-aalalang saad nito sa dalaga.

Humihikbing napailing lang si Nicole habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha.

"What's the matter? Bakit ka umiiyak?"

Mabilis pinalis ni Nicole ang kanyang mga luha sabay sabing, "Ilayo mo ako sa lugar na ito, please." nagmamaka-awang saad niya rito, at sa puntong iyon ay muling tumulo ang mga luha ni Nicole.

Hindi na nagtanong pa si Josh at walang sabi-sabing hinablot nito ang kamay ng dalaga papasok sa kanyang sasakyan.

Ngunit nang akmang pagbubuksan na ni Josh ng pintuan si Nicole, ay may mabilis na humablot sa kaliwang braso ng dalaga.

Mabilis nilang binalingan ito at nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita si Dennis, na madilim ang awra, "Nicole, let's go!" nagpupuyos sa galit na usal ng binata bago hinila ang dalaga papalayo sa sasakyan ni Josh.

"Ayokong sumama sayo! You're a lying cheater! I hate you!" singhal nito bago pilit kumawala sa pagkakahablot ni Dennis.

Mabilis namang pumagitna si Josh sa magkasintahan sabay sabing, "Pare, wag mo na munang pilitin si Nicole." malumanay na saad ni Josh habang hawak ang kanang braso ng dalaga.

"Pare, problemang magkasintahan ito. So back the f*ck off!" nagpipigil sa galit na usal ni Dennis bago pilit na binawi ang kamay ni Nicole rito.

"Josh... Okay lang, susunod na lang ako sayo." wika ng dalaga bago muling hinarap si Dennis.

Hindi na rin naman nagpilit si Josh, kaya't tuluyan na itong pumasok sa kanyang sasakyan.

"Ano pa bang kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin?" sarkastikong saad ni Nicole rito.

"Hun... Wag naman ganyan, pag-usapan muna natin ito, please." nagsusumamong sambit ni Dennis, habang pilit hinuhuli ang mga kamay ng kanyang kasintahan.

"No!" parang bulkan na sumabog ang emosyon ng dalaga nang sambitin niya ang salitang iyon. "Wala akong panahon para pakinggan ang mga kasinungalingan mo! You lied to me!" bulyaw ni Nicole bago pinaghahampas sa dibdib ang binatang si Dennis. "Liar! Niloko mo ako, manloloko!" punong-puno ng hinanakit na sambit ng dalaga habang patuloy sa paghampas sa binata.

One Sided Love ✔️Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora