OSL Kabanata: 43

8.1K 320 14
                                    

NICOLE's POV:

Nandito ako ngayon sa comodo café isang italian coffee shop na may best seller na chocolate macaroons. Lately, ito ang nahihiligan at cravings namin ni baby. Kaya kahit ipinagbawal sa akin ng doctor ang sweets, hindi ko pa rin mapigilang order-in ang best macaroons na ito.

Sobrang sarap eh.

Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang maramdaman ko ang pagtama nang kung anumang bagay sa aking mukha. Mabilis kong binalingan ito at nakita ko na lang ang kinoyumos na tissue sa ibabaw ng lamesa.

Matalim na tingin naman ang isinalubong ko kay Aaron a.k.a Arah na kasama ko ngayon sabay sabing, "Bakit ka ba nambabato ng tissue?!" may himig inis kong anas saka ko ibinato pabalik ang tissue sa kanyang mukha.

"Baklang 'to! Nagtanong ka pa, eh para akong baliw na nakikipag-usap sa hangin dito noh! Ano bang problema mo?" maarteng bulyaw nito saka tuluyang ipinunas ang tissue sa kanyang noo.

Nagpakawala lang ako nang isang mahabang buntong hininga saka ko itinukod ang aking kanang siko sa lamesa habang nakahalumbaba, "Bff... Bakit ganoon si Josh, okay na naman ang relasyon namin sa parents ko at lalong-lalo na sa parents niya. Bakit parang wala pa rin siyang balak na mag-next level ang relationship namin?" matabang kong pahayag sa aking kaibigan.

Kunot noo naman akong tinitigan nito na parang nagulat sa aking mga sinabi, "Next level? As in kasalan ganern?"

Tumango naman ako, "Hindi naman ura-uradang kasal agad, kahit engage-engage lang gano'n..."

Sandali itong uminom ng kanyang kape sabay sabing, "Si Josh lang ang makakasagot niyan, bff." kibit balikat na turan ni Aaron saka muling sumimsim ng kanyang inumin.

"Iyon na nga 'yung pino-problema ko, bff. Halos dalawang buwan na hindi pa rin siya nagpo-propose sa akin. Pagtapos siyang makausap ni Papa, waley nang new... Pasabi-sabi pa siyang babakuran na niya raw ako pero look wala namang hakbang na ginagawa." mapakla kong sambit, saka napapailing na ininom na ang aking juice.

Talagang hindi ko mapigilan ang madismaya dahil hanggang ngayon ay parang wala lang kay Josh ang lahat nang pinagdaanan namin. Hindi naman sa pagiging atat, pero imagine dalawang buwan na ang nakalipas simula nang ipagkatiwala ako ni Mama lalo na ni Papa sa kanya.

Akala ko pa naman... Haaayyy! Nevermind, siguro nga nasabi lang niya ang mga bagay na 'yon para hindi ako tuluyang kaladkarin ni Papa sa Dubai. Hindi naman nawala ang pagiging malambing niya sa akin, pero syempre babae ako at nagdadalang-tao. Malamang mag-eexpect ako nang kahit proposal man lang di ba?

Napabalik na lang ako sa aking katinuan nang biglang marinig ko si Aaron na nagsalita, "Malay mo naman humuhugot pa nang lakas ng loob para yayain ka... Konting benefit of a doubt naman diyan bakla!"

"Tse! Kapag ako nabwisit sayo hindi na kita kukuning Godfather nang magiging anak ko." pagbabanta ko sa kanya.

Dagli namang namilog ang kanyang mga mata sabay sabing, "Hoy Nicolette! Wag na wag mong sasabihin yan! Bastos 'to..." aniya saka ako inismiran.

"Anong bastos sa sinabi ko? Na hindi na kita kukuning Godfather?" kunot noong pagtatanong ko sa kanya, dahil hindi ko gets ang himutok nang baklang ito eh.

"Iyan inulit mo na naman!"

"Ang alin ba?" natatawa kong sambit sa kanya. Kitang-kita ko kasi ang pagkulubot nang kanyang noo.

"Nicolette oh... Obvious ba?! Ang haba-haba nang blonde hair ko, at pink na pink pa itong suot kong dress tapos tatawagin mo akong Godfather? The heck, Nicolette?!"

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now