OSL Kabanata: 1

34.5K 674 79
                                    

ONE SIDED LOVE
(Naive Series: Book 2)
(COMPLETED)

Started: JANUARY 13, 2018
Ended: JULY 29, 2018


*****


NICOLE's POV:

Nagising ang diwa ko nang makarinig ako ng malakas ng pagkatok sa aking pintuan, mumukat-mukat kong iminulat ang aking mga mata bago binalingan ang alarm clock sa side table.

Nakita ko na alas siyete y medya na ng umaga, kaya napabalikwas ako sa aking pagkakahiga, "Shocks! Late na ako!" sambit ko sa hangin at nagmamadaling bumangon sa aking kama.

Mabilis akong lumabas ng aking silid para tumungo sa banyo para makaligo. Pagkababa ko ng hagdanan ay agad bumungad sa akin ang aking Ina na si Mama Janet,

"Anak kanina pa kita kinakatok sa kwarto mo, napasarap ata ang tulog mo." anito habang naghahanda ng aming umagahan.

"Hindi ko po narinig 'yung alarm clock Mama. Late na po ako." nagmamadaling kong saad rito bago tuluyang pumasok sa banyo.

Matapos makaligo, ay mabilis akong nag-ayos ng aking sarili para sa aking paghahanda sa pagpasok ko sa eskwelahan. Nagmamadaling kong inayos ang mga gamit ko sa study table, para isilid ang iba rito sa aking bag.

"Anak bilisan mo, malalate na ako sa trabaho!" rinig kong sigaw ni Mama Janet sa ibabang bahagi ng aming tahanan.

"Susunod na po ako Mama!" balik sigaw ko naman dito, dahil hinahatid ako ni Mama Janet sa eskwelahan, kasama ang aking mga nakababatang kapatid na sina Nicolo at Nicolai.

Nang akmang hahablutin ko na ang aking libro sa chemistry, ay mabilis kong natabig ang isang picture frame roon. Nagmamadali kong inayos ito at napangiti sa larawang aking nakita.

Kuha ito ng isang lalaking palihim kong kinuhanan gamit ang aking telepono, pina-imprenta ko ito sa kapirasong karton para maging isang larawan bago ko inilagay sa picture frame na aking hawak.

Hinaplos ko ang bubog na tumatabing sa litrato ng lalaking lihim kong minamahal, na animo'y parang hinahaplos ko na rin ang maamong mukha nito sa personal, "Good Morning, Habibi." nakangiti kong saad dito bago hinalikan ang litrato ng binata.

Matagal na akong may lihim na pagtingin dito, ngunit ni minsan ay hindi ako nangahas na sabihin ito sa kanya. Alam ko kasing mahal ni Josh ang bestfriend kong si Raine, kaya hindi ko pu-pwedeng sabihin na lang basta-basta sa kanya ang nararamdaman ko.

Hindi ko man maamin, ngunit minsan ay may kirot sa puso ko sa tuwing makikita ko na magkasama sina Josh at Raine. Nakikita ko kung gaano siya kasaya sa piling ang aking matalik na kaibigan, samantalang ako naman ay palihim na nasasaktan sa tuwing makikita kong masaya siya sa piling ng iba.

Tama kayo ng narinig... si Josh Malcolm Dela Vega, ang lalaking matagal ko nang minamahal ng palihim. Walang sino man ang nakakaalam sa lihim kong ito, ultimo ang aking matalik na kaibigan na si Raine ay walang kaalam-alam sa aking nararamdaman para kay Josh.

Pero mas nananaig sa akin ang pagmamahal ko sa aking mga kaibigan. Kung saan masaya si Josh ay all out na lang ang suporta ko sa kanya. Siguro nga hanggang lihim na lang ang nararamdaman ko para sa mokong na 'yon at mananatiling lihim na lang ito habang buhay.

Napabalik na lang ako sa realidad nang biglang bumungad sa aking silid ang nakababata kong kapatid na si Nicolai, "Ate Nicnic, tinatawag ka na po ni Mama."

One Sided Love ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang