OSL Kabanata: 5

11.8K 491 49
                                    

Continuation:

Matapos kumain ay matamlay na nagpaalam si Nicole sa kanyang kaibigang si Raine, "Beshie, akyat na ako sa room. Nakalimutan ko kasing gawin 'yong assignment ko sa Math." pagpapalusot niya rito, ngunit ang totoo ay gusto lang niyang iwasan si Josh.

"Teka, hindi pa ubos 'yang pagkain mo ah." nag-aalalang sambit ni Raine rito, dahil kilala nila si Nicnic na masinop pagdating sa pagkain. Wala itong sinasayang dahil turo raw iyon ng kanyang Ama simula pagkabata.

"Okay lang beshie, sige na una na ako." pamamaalam niya saka tumayo sa kanyang pagkakaupo.

Nang akmang lalayo na si Nicole ay mabilis nagsalita si Aaron nang, "BFF, sabay na ako sayo." wika nito sa pinakamababa nitong tono.

Tanging tango lang ang nai-sagot ni Nicole rito bago binalingan ang kanyang mga kaibigan. Nakita niya na tumango na lang din sa kanya si Raine, tanda ng pamamaalam nito at nang tiyempong baling niya kay Josh ay mataman lang itong nakatingin sa kanya. Nginitian naman ito ng dalaga para hindi makahalata ang binata sa kanyang pag-iwas.

Tinanaw na lang ni Josh si Nicole na papalayo na sa kanilang kinauupuan. Nakita niya kung paanong inakbayan ni Aaron ang dalaga bago tuluyang makalabas ng canteen.

Bigla na lang nakuyumos ni Josh ang papercup na kanyang hawak, sa hindi malamang dahilan, Nagpa-akbay naman! inis na anas nito sa kanyang sarili bago napailing na bumaling kay Raine.

Nakita niya na seryosong nakatingin lang ito sa kanya, na parang sinusuri ang anong mang bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Kaya naman napatanong na lang ang binata rito nang,

"Ulan, may problema ba?" anito habang hawak ang nakuyumos niyang papercup.

"Wala naman, mukang hindi maganda ang mood niyo pareho ni Nicnic ahh." walang prenong saad nito bago kinain ang huling tinapay sa kanyang harapan.

Mabilis namang napatigil si Josh sa kanyang narinig bago umiwas ng tingin sa dalaga. Minuto pa ang lumipas nang hindi makapagpigil ang binata sa kanyang nararamdaman,

"Ulan, bakit parang close na close sina Nicole at Aaron? Kailan pa sila naging BFF?" pang-uusisa nito.

Bahagyang napabuga naman ng kanyang iniinom si Raine nang marinig ang sinabi ni Josh. Mabilis nitong kinuha ang tissue na nakapatong sa lamesa bago ito ipinunas sa kanyang bibig,

"Grabe, bakit sa akin mo tinatanong? Bakit hindi ka na lang dumiretso kay Nicnic?" natatawang saad ng dalaga rito.

"Tsss... Nevermind. Tara akyat na tayo." anyaya niya kay Raine saka kinuha ang kanyang telepono sa bulsa.


*****


"Ano BFF, okay ka lang ba?" malamyang saad ni Aaron habang hinihimas ang likuran ng dalaga.

Malungkot na tumango lang dito si Nicole saka napahugot ng malalim na hininga, "Wala talaga BFF, wala talaga." anito saka isinandal ang kanyang ulo sa binata.

"Hayaan mo na, baka hindi talaga si baby Malcolm ang lalaki para sa'yo. Baka para talaga siya sa beauty ko." pambibiro ni Aaron sa dalaga.

Mabilis namang napahalakhak si Nicole bago humiwalay sa binata, "Ikaw na lang kaya jowain ko bakla?" nakangising usal ng dalaga rito.

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now