OSL Kabanata: 41

8.2K 299 29
                                    

Continuation:

"Make yourself comfortable, hun..." saad ni Dennis bago tuluyang umakyat sa ikalawang palapag ng condo unit nito.

Sandaling inilibot ni Nicole ang kanyang paningin sa kabuuan ng unit ni Dennis. Maaliwalas itong tingnan sa pinaghalong kulay puti at itim na pintura, na halatang modern type dahil sa mga muwebles na nakaagaw ng kanyang pansin.

Batid din ng dalaga ang family portrait na nakasabit sa dingding. Kuha ito ng binata kasama ang kanyang mag-inang sina Charlotte at Heather, na masayang nakatingin sa lente ng camera. Bigla namang nakaramdam ng kalungkutan si Nicole, nang maalala muli ang supling sa kanyang sinapupunan.

"Haaayyy..." nagpakawala na lang ng isang malalim na buntong hininga ang dalaga, bago itinuon sa ibang bagay ang kanyang atensyon.

Matapos sa kanyang paglilibot, ay agad naupo si Nicole sa leatherette sofa na kulay itim na siyang nakahanay sa isang pasilyo roon. Niyakap niya ang kanyang sarili, dahil sa lamig na kanyang nararamdaman ngayon.

Nasa malalim na pag-iisip ang dalaga nang biglang magsalita si Dennis na ngayon ay pababa na ng hagdanan, "Here..." anito saka iniabot ang isang pink tshirt at cotton short na hindi naman kaigsian.

"T-thank you... Ahh, saan ang banyo niyo?" nahihiya niyang saad sa binata.

"Go to the hallway over the kitchen counter, then turn right nandoon po ang comfort room." nakangising usal naman ng binata saka binuksan ang television sa kanyang living room.

Hindi na naman sumagot pa si Nicole at diretsong nagpunta sa banyo. Mabilis naman ang kanyang naging pagpapalit at saka tuluyang lumabas ng banyo.

Nakita niya si Dennis na ngayon ay abala sa paggawa ng tsaa sa kusina, at nang mapansin nito ang kanyang presensya ay agad gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ng binata.

Dahan-dahan namang lumapit dito si Nicole sabay sabing, "Ahh Dennis, pwedeng makahingi ng plastic?" aniya habang hawak ang kanyang pinagbihisan.

"Let me..." wika lang nito bago hinablot sa dalaga ang basa niyang damit. "I will wash it first, para pwede mo siyang magamit agad." wika lang nito bago ipinatong ang kanyang damit sa kitchen counter.

"Salamat ulit." aniya, at hindi naman alam ni Nicole kung saan siya pupunta dahil nahihiya siya sa binata.

Dagli namang napansin ni Dennis ang pagkailang ng dalaga, kaya't mabilis siyang pumunta sa likuran nito bago hinawakan sa magkabilang balikat, "Maupo ka muna rito, I made you a warm tea." saad lang nito bago inalalayan ang dalaga paupo sa kitchen stool.

Sandaling katahimikan ang pumagitna sa dalawa bago muling nagsalita si Dennis, "So... Anong nangyari, bakit bigla kang nambubulabog ganitong dis-oras na ng gabi?" nakakalokong usal nito saka naupo sa katapat na upuan ng dalaga.

Tiningnan lang ito ni Nicole bago muling ibinalik ang kanyang atensyon sa kanyang inumin, "I have a big problem, as in seryosong problema na hindi ko alam kung paano ko malulutasan." malungkot niyang saad habang nakahawak sa kanyang kopita.

"Haaayyy... Whenever you're ready, I'm all ears hun..."

Tiningnan ito ng masinsinan ni Nicole sabay sabing, "I-I'm pregnant..." mahinang sambit ng dalaga, sapat na para makaabot iyon sa pandinig ni Dennis.

Kitang-kita ni Nicole kung paano nagulat ang gwapong mukha nito, kaya't napakibit-balikat na lamang siya bago sumimsim ng tsaa.

"S-so... What seems to be a problem? Did Dela Vega know about your condition?" seryosong usal lang nito.

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now