OSL Kabanata: 24

7.7K 296 30
                                    

Makalipas ang dalawang taon...



NICOLE's POV:


"Bye Nicole!" rinig kong pamamaalam sa akin ng blockmate kong si Wendy, kaya mabilis ko siyang binalingan na may matamis na ngiti sa labi.

"Bye... Wends!" pamamaalam ko rito bago ko siya kinawayan. Nakita ko na kumaway din ito sa akin pabalik, bago tuluyang nilisan ang aming classroom.

Ngayon ay second year college na ako rito sa Trinus University. Parehas kami ni Raine na nag-aaral sa prestihiyosong unibersidad na ito, ngunit magka-iba ang aming kurso. Sa sobrang laki ng Trinus ay hindi na kami nabibigyan ng pagkakataong magkita dahil sa salungat naming mga schedules.

Kung tatanungin niyo naman si Dennis, ayon tuluyan nang pinanindigan ang pagiging Ama sa anak nila ni Charlotte.

Ang nakakaloka pa roon ay kinuha pa akong ninang ng mokong na iyon sa kanyang isang taong gulang na anak. Ayoko sanang pumayag pero sabi ni Mama Janet, masama raw ang tumanggi sa alok na aanakin ang isang bata sa binyag. Kaya naman kahit ayaw ko ay wala akong choice kundi ang um-oo na lang din.

In good terms na rin naman kami ni Dennis ngayon pati na si Charlotte, na siyang schoolmate rin namin noon sa Fort Trinity High School.

Ipinakita naman kasi sa akin ni Dennis, kung gaano siya kasinsero sa paghingi niya sa akin ng tawad. Kaya't nagkapatawaran kami sa isa't isa, na maluwag sa aming mga kalooban. At sa kabila nang nangyaring gusot namin noon ay malugod ko siyang tinanggap bilang kaibigan.

Nai-kwento na rin niya sa akin ang tungkol sa namagitan sa kanila ni Charlotte, noong mga panahon na isang buwan ko siyang inignora dahil sa pag-aaway namin.

Aaminin ko, may panghihinayang akong naramdaman habang sinasariwa ko ang mga pinag-usapan namin ni Dennis noon. Ang mga salitang nagsasabi kung gaano niya ako kamahal, pero hindi na kami pwede dahil may isang munting anghel ang dapat niyang panindigan.

Isang malaking WHAT IF at panghihinayang, ang agad pumasok sa aking isipan ng mga sandaling iyon. Iniisip ko kung paano kaya kung binigyang pansin ko agad siya noon, siguro kami pa rin hanggang ngayon. Paano kaya kung hindi ko pinairal ang bugso ng damdamin at galit ko noon, siguro matatawag kong akin pa rin siya hanggang ngayon.

Pero ganoon ata talaga ang buhay. May mga desisyon tayong nagagawa sa buhay natin, na siyang babago nang tuluyan sa magiging takbo ng ating hinaharap. Na kahit ano mang pilit at kagustuhan nating ibalik ang nakaraan, ay may mga dahilan na magpapamuka sa atin, na hindi na natin makakamit ang salitang pwede na ating inaasam.

Pero tanggap ko na rin naman ang mga nangyari, dahil sa kabila nang mga hinanakit ay may isang cutiepatootie naman akong inaanak na si Heather.

Nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Mabilis ko naman itong kinuha sa aking bulsa at nangunot sa aking nakita.


From: +639170011213

Nicnic... Kamusta?


"Sino kaya to?" sambit ko sa hangin.

Sinimulan ko nang maglakad papalabas ng hallway, ngunit ang isip ko ay parang naiwan sa mensaheng aking natanggap. Bukod sa iilang tao lang naman ang may alam ng aking pribadong numero, ay iilang tao lang din ang tumatawag sa aking palayaw na Nicnic.

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now