OSL Kabanata: 36

7.1K 268 26
                                    

"Hubby... Sigurado ka bang ayos lang ang itsura ko?" nakangiwing saad ni Nicole habang naglalakad sila ng binata papasok sa tahanan ng mga Dela Vega.

Dagling napabaling si Josh sa kanyang kasintahan nang marinig niya ang hinaing nito. Napangiti siya nang makita ang nag-aalalang mukha ni Nicole, na para sa kanya'y wala naman siyang nakikitang dapat ikabahala ng dalaga sa itsura nito ngayon.

Nakasuot si Nicole ng isang Pink Floral Print Homecoming Dress, na siyang bumagay sa makinis at balingkinitan nitong pangangatawan.


Photo CTTO

Para kay Josh ay parating blooming tingnan si Nicole, sa araw-araw na nagdaan na nakakasama niya ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Para kay Josh ay parating blooming tingnan si Nicole, sa araw-araw na nagdaan na nakakasama niya ito. Mas lalong gumaganda sa kanyang paningin ang dalaga, dahil na rin siguro sa pag-aalalaga't pagmamahal na ipinaparamdam niya rito.

Mabilis niya itong hinarap sabay sabing, "Baby... You look perfect on that dress. I'm sure my parents will be happy to see you, again."

"Nahihiya kasi ako, hubby." alanganing saad ni Nicole bago yumuko. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon, na makakaharap niya ang pamilya ni Josh bilang girlfriend ng binata.

"Baby, stop worrying. Kilala ka na nina Mom and Dad, and they're so excited to finally meet you as my girlfriend."

"Haaayyy... Kinakabahan talaga ako, tingnan mo sobrang tagaktak na 'yung pawis ko." anito habang ikinukumpas ang kanyang kanang kamay, na animo'y isa itong pamaypay.

Nilapitan naman ito ni Josh saka kinabig papalapit sa kanya, "This will help you ease your anxiety." usal binata bago ginawaran ng isang mapagmahal na halik ang kanyang nobya.

Napapikit na lang si Nicole sa biglang paghalik ni Josh. Aaminin niya na unti-unting nababawasan ang kaba na kanyang nararamdaman sa pamamaraan ng pagpapakalma nito.

Kung meron mang isang katangian na gustong-gusto si Nicole sa kanyang kasintahan, iyon ay ang pagiging malambing nito sa kanya. Kayang-kaya ni Josh tanggalin lahat ng kanyang kaba, lalo na sa pamamagitan ng matatamis na halik nito.

Nang kapusin sila sa hininga ay mabilis pinagdikit ni Josh ang kanilang mga noo sabay sabing, "Are my kisses good enough to make you feel comfortable?" nakangising saad nito habang hawak ang magkabilang pisngi ng dalaga.

"Hmmm... Kulang pa eh." nakakalokong turan ni Nicole habang taas baba ang mga kilay.

Mabilis namang niyakap ni Josh ang kanyang kasintahan, "If I kiss you again, I might have exhausted your lips. Sayang naman ang lipstick mo." natatawang usal nito sa dalaga.

One Sided Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon