OSL Kabanata: 26

8K 327 61
                                    

Matapos ang gabing nagpahayag ng kanyang malabong damdamin si Josh kay Nicnic, ay hindi na ito muling nagparamdam pa sa dalaga.

"Wala man lang text, kainis!" iritableng saad ng dalaga, bago inihagis ako kanyang telepono sa kama.

Magda-dalawang araw na kasi siyang hindi kino-contact ng binata, na siyang ikina-asar nang husto ni Nicole.

Dahil para sa dalaga, ay isang malaking paasa ang ginawang pagpapahayag ni Josh ng totoong nararamdaman nito para sa kanya.

Para sa kanya'y masyadong to good to be true ang mga sinabi ni Josh, para madala niya ang mga salitang iyon sa realidad ng buhay.

"Indyanero na noon, nuknukan pa ng paasa ngayon. Saan ka pa?!" bubulong-bulong niyang sambit sa kanyang sarili.

Nasa ganoong pag-iisip si Nicole nang biglang marinig niyang may kumatok sa pintuan, "Pasok..." aniya habang abala sa pag-aayos ng kanyang sarili.

"Anak..." turan ni Mama Janet bago tuluyang bumukas ng pagkaluwang-luwang ang pintuan ng kanya silid.

"Ma..." tanging sambit lang ng dalaga.

"Tulungan na kita, anak." saad ni Mama Janet bago sinuklayan ng buhok ang kanyang anak.

"Thanks po, Mamey."

Inabot ng halos mag-iisang oras ang ginawang pag-aayos ng mag-inang Nicole at Mama Janet, para sa paghahanda ng dalaga sa kanilang high school reunion na gaganapin sa gymnasium, ng Fort Trinity High School.

"Wow ang ganda naman ng Ate namin." masiglang saad ni Mama Janet habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kanyang anak.

Nakangiting pinagmasdan naman ni Nicole ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Sinipat niya ang kanyang repleksyon simula ulo hanggang paa.

Nakasuot ngayon ang dalaga ng Vintage Black V-Neck Mini-Dress with See Through Laces, na tinernuhan ng isang pares ng Black Suede High Heel Pumps.


Photo CTTO

"Mama ang ganda ko po

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




"Mama ang ganda ko po..." masayang sambit ni Nicole, bago umikot ng isang beses sa harap ng salamin.

"Syempre mana ka kay Mama... Sayang matagal pa ang uwi ng Papa niyo, hindi niya tuloy makikita kung gaano kaganda ang anak niya." nanghihinayang na wika ni Mama Janet.

"Picture-an mo na lang po ako Ma, tapos send natin kay Papa sa facegram niya."

"Oh sige..." ani Mama Janet bago kinunan ng litrato ang kanyang anak. "Teka, sino pa lang escort mo papunta sa reunion?"

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now