Chapter 7.2.4

722K 9.2K 917
                                    

#JorTyHangJorChan

#TyroneAdmissionOfJealousy

********

CHAPTER 7.2.4

Jordan

Nagpunta kami sa likod ng canteen at nagkubli sa isang pagkalaki-laking puno sa campus. Halos wala namang estudyante sa gawing iyon kaya walang masyadong makiki-usyoso sa aming dalawa.

"I know that I am not in the position to ask you this, but I just felt the need to know," seryosong panimula pa niya. What is it you're not telling me, Jorge? May something ba sa inyo ni Ty?" Eto na nga ba ang sinasabi ko!

"W-wala..." Bahagya pa akong umiling at tumitig sa mukha niya. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Gan'un ba siya ka-affected sa amin? Pero hindi naman pa siya nagsasabing manliligaw siya. Panliligaw na ba ang ginagawa niyang paghatid sundo sa akin nitong nakakaraang araw? Pati ba ang pagte-text nang madalas? Ligaw na ba 'yun? Haist. Wala naman kasi akong alam sa gan'un. Never pa namang may nanligaw sa akin nang seryoso kaya hindi ko alam.

"But Kirsten said, you're Tyrone's girl? I don't understand-"

"I-I am not his girl..." Bahagya lang akong umiling. "One time na akong nadala ni Ty sa mansion nila kaya ko nakilala si Kirsten. Akala din nila noong una girlfriend ako ni Ty. Pero kaya lang naman din ako nasama sa kanya kasi kaibigan siya ng cousin kong si Cary at nagpumilit akong sumama dahil gusto kong makita kung saan siya nakatira. Pero 'yun lang talaga. Friends lang kami."

Napatahimik lang siya sa sinabi ko at matamang tumitig sa akin. Nag-iwas ako nang tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang mga titig niya.

"Ty likes you..." Napabuntong-hininga pa siya. Pero ano nga?! Tama ba ako ng narinig?!

"Ikaw puro ka biro!" Hinampas ko siya sa balikat, pero matabang lang siyang ngumiti at kinagat lang niya ang kanyang labi. Tumingin siya sa malayo na tila ba ang lalim nang iniisip.

"He likes you..." pabulong pa niyang sabi na para bang hangin lang din ang gusto niyang makarinig.

"Impossible 'yun. Friends lang talaga kami," tanggi ko pa. Naka-drugs yata itong isang 'to, e.

"That dumbass..." Iiling-iling lang siyang ngumiti. "You're off limits, Jorge. Kaya pala gan'un na lang ang mga reactions niya sa tuwing babanggitin ko ang pangalan mo."

"Naku, Chance! Kung anu-ano ang iniisip mo. W-wala 'yun! Impossible 'yang iniisip mo!" Of course, kinokontra ko ang iniisip niya dahil iyon naman ang totoo.

Umiling-iling lang siya sabay nagpamaywang. Tangna, ang gwapo talaga kahit sa broad daylight. Ang mapula niyang lips na parang natural na medyo naka-pout, ang sarap siguro humalik. Naku Jorge, umandar na naman ang pagka-pervert mo.

"I really like you, Jorge. I really do," seryoso pang pagtatapat niya na saglit na nakapagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko. "But Tyrone had his eyes on you."

"Naku, mali ka nang iniisip Chance," mabilis ko rin namang kontra.

"Bakit Jorge? Ayaw mo ba kay Tyrone?"

Shit! Bakit ba parang ang hirap sumagot?!

"You should have seen your face." Mapakla pa siyang ngumiti. Ano bang ka-traydoran ang reaction ng mukha ko?!

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now