Chapter 6.1.2

711K 10.2K 678
                                    

#SimulaNaNgJorTyHan

********

CHAPTER 6.1.2

Jordan

Oh God, mababaliw ako sa ingay nang dalawang baklang 'yun! Yuck, kadiri talaga! Ang halay talaga ni Cary! Hindi ko alam kung nananadya ba siya o papaano. At talagang nagkukulong sila sa kwarto?! As in seriously?! This was so frustrating! Napapa-english tuloy ako nang wala sa oras. Tang inerns... Ugh!

"Insan, alis na ako!" malakas pang sigaw ko dahil mukhang wala talagang balak lumabas man lang!

"Sige, couz! Ingat!" sigaw lang niya at hindi man lang lumabas ng pinto!

Pakiramdam ko lalo lang lumalaki ang bukol ko sa kanya! Pasaway talaga! Tatagal ba talaga akong kasama sila sa mga susunod na araw?! Ang landi naman kasi nitong si Cary! Nang bumigay naman, sobrang bigay! Haist!

Halos tama lang sa oras nang dumating ako sa bar. Nagawa ko namang i-style ang buhok ko na matatakpan ang bukol ko. Medyo humupa naman na ang pamamaga pero halata pa rin kaya't tinakpan ko pa rin ng buhok. Grabe magbigay ng souvenir ang malanding Tarah na 'yun! Pang-ilang araw!

Nasa kalagitnaan ako ng trabaho ko noon nang mamataan ko na naman 'yung matandang lalaki. Iiwas na sana ako nang bigla na namang humarang sa daraanan ko!

"Nagta-trabaho po ako." Pinilit kong magpaka-natural kahit na sa totoo lang gusto ko nang manapak. Masyado pa akong bad trip sa bukol ko!

"Oh, c'mon, how much do you want? Name your price." Kahit pa nangse-seduce ang tono niya ay nakakadiri pa rin! Juskoo, e, kasing edad siya ng Tatay ko, a.

"Back off, sir." Agad akong napabaling sa nagsalita. "She's not for sale."

"Chance?" Gulat pa akong napatitig sa kanya.

"At sino ka naman?" Nakakunot-noo lang din 'yung matanda habang nakatitig kay Chance.

"None of your fucking business," matigas pang sagot ni Chance sabay umismid. Hinapit niya ako sa baywang at iginiya papunta kung saan.

"Anong ginagawa mo rito?"

"What does every guy do at the bar?"

"S-sex?" Tama bang iyon ang sabihin ko?! Tanga!

"What?!" gulat pa niyang sabi at malakas na humalakhak. Ang gwapo lang. "That is also right, but it's not my reason. Just having a few drinks. Pure fun."

"Ohh?" Tangna, nakakahiya!

"Hi, Jorge!" Shit! Si Dalton! Nandito silang magkakabarkada?! At tulad nang inaasahan, pati nga si Ty ay nand'un din. Ang suplado talaga at ni hindi ako tinapunan nang tingin! Hmp!

"Uy..." Okay, 'yun lang ang kaya ko. Sorry naman, nabigla ako, e.

"Okay na ba ang bukol mo?" Si Terrence. Mukhang concern naman siya.

"Medyo..." Bahagya lang akong tumango. "Sige na, may work pa ako. Baka masesante pa ako," iwas ko na lang. Hindi ko alam, pero naiinis ako kapag hindi ako pinapansin ni Ty. Aish! Bad trip!

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon