Chapter 7 (Always)

36.2K 256 103
  • Dedicated kay KimXi Jocelyn Ocfemia and Bernadette Santos
                                    

Chapter 7

Do not play the music video yet.

Namangha si Celine sa karangyaang natunghayan nang huminto ang kotse nila sa harapan ng isang napakalaking mansyon. Sa mga Hollywood movies lang niya napapanood ang mga ganitong klaseng bahay. Naikiwento ni Liam habang nasa daan sila papuntang East Hampton, New York ang tungkol sa ikakasal nitong kaibigan at kaklase sa Harvard na si Tony Vargas at sa matagal na nitong katipan na si Bernadette Soriano.

"Liam, naiilang ako. Hindi ako sanay makipag-sosyalan sa mga ganyang tao," balisa niyang sabi nang papasok na sila sa loob ng mansyon.

"No need to be nervous, Hon. You are so beautiful that people will gravitate towards you. At saka ako ang bahala sa iyo. I will always take care of you, Hon," tinitigan siya nito ng mariin at saka hinawakan ang kamay niya bilang suporta.

"Huwag mo akong iiwan ha?" masasalamin ang nerbiyos sa mga mata ni Celine.

"I will never leave you, Celine," malakas ang kutob niya na magkaiba ang pinag-uusapan nilang dalawa.

"Liam, mabuti naman at nakadalo ka sa wedding ng kaibigan natin. Sabi kasi ni Tony busy ka raw sa Pilipinas magpalago ng negosyo ninyo at magpalaganap ng maganda mong lahi kaya hindi siya sigurado kung makakapunta ka dito sa States para sa kasal niya," natatawang bati ng isang medyo chubby at maputi na lalaki. Napatingin ito kay Celine, nasa mga mata nito ang paghanga sa dalaga.

"Joel, bawiin mo nga iyong tungkol sa pagpalaganap ng lahi. Baka maniwala si Celine sa biro mo ay ewan ako nito," saway nito sa kaibigan.

"Aba mukhang takot ka na yatang iwan ng babae ngayon. Ipakilala mo naman ako sa napagandang dilag na kasama mo," nakatingin ito kay Celine.

"Hon, ito ang friend kong bolero si Joel Ramos. Joel, si Celine Fontanilla."

"Hi Joel!" simpleng bati ni Celine.

"Hi Celine, kung bibigyan ka nang sakit ng ulo ni Liam isumbong mo lang agad sa akin para masapok ko."

"Nagbago na ako para kay Celine kaya hindi na mangyayari iyon."

"Hello, dumating na pala ang pinaka-playboy sa grupo natin," bungad ng isa pang lalaking kasing tangkad ni Liam. Mestisuhin ito at matikas din ang tindig.

"Tony!" masayang nagyakapan ang magkaibigan.

"Liam, I'm so happy that you could attend our wedding!"

"Siyempre naman!"

"Pare, siya ba ang sinasabi mo? Napakaganda nga pala! Kaya pala gusto mo na ring mag-asawa," natatawa nitong biro.

Nagulat man si Celine sa narinig ay minabuti niyang huwag munang kumibo.

"Hi I'm Tony, alam kong ikaw si Celine."

"Hi Tony, congratulations nga pala!

"Mamaya ko na ipapakilala ang magiging misis kong si Bernadette kasi bawal raw makita ang bride bago ikasal."

"Tumuloy na kayo sa garden, nandoon na ang iba pang guests."

Sa maluwang na harden sa likod ng mansyon ang wedding venue at reception nila Tony at Bernadette. Matatanaw ang Atlantic Ocean paglabas mo ng backyard. May nakahanda ng malaking tent para sa wedding reception. (Please check the photo on your right screen)

Sa kanilang dalawa ni Liam nakatuon ang pansin ng mga tao nang lumabas sila sa hardin. Isang napakagwapo at napakagandang pares na nilalang ang nasaksihan nila nang araw na iyon.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon