Chapter 8

28.5K 207 78
  • Dedicated to Jiesele Crisol and Charlen Cadorna
                                    

Chapter 8

   "Lola, nagustuhan po ba ninyo ang ulam na niluto ni Manang Verna?" tanong ni Celine.

   "Masarap naman siya," sagot nito na patuloy pa rin sa pagsubo ng paella.

   "Paborito raw po kasi ninyo ang paella kaya niluto ni Manang Verna para sa inyo."

   "Paborito ko ito?" nakakunot ang noo nitong tanong.

   "Opo," magalang niyang sagot.

   "Hmm, siguro nga. Nakalimutan ko na kasi."

   "Good afternoon, Lola, Hon!" masayang bati ni Liam na kararating lang. Humalik ito sa pisngi ni Lola Rosa at nang tangkang hahalikan din nito si Celine ay mabilis na nakaiwas ang dalaga. Napailing si Liam sa ginawa ni Celine.

   "Ethan! Apo ko!" bulalas ni Lola Rosa.

   Napangiwi si Liam sa tawag ng lola niya. "Lola, ako po si Liam."

   "Liam? Hindi kita maalala. Apo kita?"

   "Opo Lola, anak po ako ni Carmela. Si Ethan po ang anak ni Tita Dalia."

   "Ah ganoon ba. Kumain ka na ba? Halika samahan mo akong kumain."

   "Mamaya na po, sabay na po kaming kakain ni Celine," tanggi nito.

   "Siya ba ang asawa mo? Aba magaling kang pumili apo ko, maganda siya," itinuro nito si Celine.

   "Maganda po talaga si Celine, Lola," nakangiting sabi ni Liam habang pinagmamasdan ang namumulang dalaga.

   "Lola, hindi po kami mag-asawa ng apo ninyo," pagtutuwid niya sa maling akala ng matanda.

   "Kumain na kayong mag-asawa, sabayan na ninyo ako dito," patuloy ni Lola Rosa. Hindi nito pinansin ang sinabi ni Celine.

   "Sir, sandali lang po at ikukuha ko kayo ng plato sa kusina," sabad ni Linda na nakatayo sa may dining room.

   "Kumusta na ang paa mo, Hon?" baling ni Liam kay Celine.

   Pinangdilatan niya ito sa tawag sa kanya.

   "Hindi ka ba nahihirapan lumakad?" Patuloy nitong tanong.

   "Ayos lang ako," matipid niyang sagot.

   "Ilan na ang anak ninyo?" singgit ni Lola Rosa sa usapan.

   "Wala pa po, Lola. Pero siguradong aabutan pa ninyo ang mga apo ninyo sa tuhod," tudyo nito.

   "Hija, huwag kayong maghintay ng matagal ha! Sabik na akong magka-apo sa tuhod."

   "Lola! Hindi po kami mag-asa___"

   "Hon, hayaan mo na si Lola," natutuwang putol ni Liam sa sasabihin niya.

   "Nagagalit yata ang asawa mo, Apo. Suyuin mo kasi, kayong mga lalaki dapat malambing kayo sa asawa ninyo. At ganoon ka rin, hija. Lambingin mo rin ang asawa mo para hindi ka iwanan."

   "Hon, narinig mo ang sabi ni Lola. Kailangan malambing ka sa akin parati. Saka ka na magsungit pagnaglilihi ka na," pilyo nitong wika.

   Inirapan ni Celine si Liam. Ang lokong ito nag-iilusyon na naman!

   "Pakiss naman, Hon para hindi sabihin ni Lola na nag-aaway tayo."

   "Gusto mo ng jombag?" inis na bulong niya kay Liam habang nakangiti sa matanda.

   "Grabe ka talaga maglambing, Hon. Karinyo brutal!"

   "Nag-aaway kayong talaga?" nag-aalalang tanong ni Lola Rosa.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Where stories live. Discover now