Chapter 40 (Life after 2 Years)

17.6K 162 35
  • Dedicated kay @glendaccruz09
                                    

Chapter 40

    2 years and a few months after....


    Please play the music video. (Thank you, Jordao Ako for suggesting the song, "Happy Together")

    "Mommy, Kimmy pushed me," reklamo ni Alexa, nakapameywang pa ito at nanghahaba ang nguso.

    "No, mommy, I did not," depensa ni Kimmy sa sarili. Namumula ito sa galit.

  "Kayong dalawa, maglalaro kayo tapos bigla naman kayong magkakapikunan," sermon niya sa kambal.

    "I will tell daddy," patuloy ni Alexa.

    "I'll tell daddy also, behhh," lumabi si Kimmy sa kambal nito.

    "Stop it you two," matigas niyang saway sa dalawa.

   "But mommy!!!" sabay na angal ng kambal. Parehong nakasimangot ang mga ito.

     Papangaralan pa sana ni Celine ang mga anak nang biglang niyang narinig  ang pagtigil ng sasakyan ni Liam sa garahe. Napalingon ang dalawang paslit.

    Bago pa napigilan ni Celine ang dalawang bata ay nag-uunahan na ang mga itong tumakbo para salubungin ang pinakamamahal na ama.

   "Daddy, daddy, daddy!!!!," sigaw ng kambal habang tumatakbo patungo sa maluwang na sala.

    Napailing na lang si Celine. Sa kanilang dalawa ni Liam siya ang mas disciplinarian. Kayang kaya ng kambal paikutin sa mga maliit na mga daliri nito ang ama. Lahat ng gusto ng mga ito ay sinusunod ni Liam, lalo na sa materyales na bagay. Ito ang isang bagay na hindi nila pinagkakasunduan ni Liam dahil gusto niyang lumaki ang mga bata sa simpleng pamumuhay lang. But it's becoming quite a challange lalo na at lahat ng nakapalibot sa mga ito na wala ng ginawa kung hindi i-spoil ang mga paslit. Kahit na bumukod na sila ng bahay may isang taon na ang lumipas pero dahil walking distance lang ang layo ng masyon ng mga magulang ni Liam ay madalas ang mga itong dumadalaw at nagdadala ng iba't ibang mamahaling mga laruan at pagkain sa mga bata. Kapag sina Lola Martha at Tito Jake naman ang dumadalaw, sunod din ang kapritso ng mga ito. One time ay sinabi niya kay Liam ang concern niya na baka lumaki sa layaw ang mga bata at maging problema nila balang araw pero giniit ni Liam na masyadong pang mga babies ang mga anak nila para problemahin ang tungkol doon.

   "Hello, sweethearts!!! How's my two beautiful daughters? Good girls ba kayo kay mommy?" Oras na maibaba nito sa lamesita ang bag ay mabilis na binuhat nito ng sabay ang kambal na masayang-masayang yumakap sa leeg ni Liam. Pinupog ng halik ng ama ang dalawang paslit kaya panay naman ang hagikgik ng mga ito.

    "Hi honey," nakangiting bati ni Celine.

    "Sweethearts, baba muna kayo sandali para si mommy naman ang ma-hug ko," sabi nito sa mga anak.

     "Hello, hon!" Masuyong niyakap ni Liam si Celine. "I missed you, honey!"

       "Me too, honey. I missed you," malambing na sagot ni Celine.

       "Nasaan si Andrew?" tanong ni Liam sa asawa.

       "Nasa family room kasama nila mama at papa," ani ni Celine.

     "Daddy, Xaxa (tawag ni Kimmy sa kambal, pronounce Sa-Sa dahil nahihirapan itong bigkasin ni Kimmy) and I played," bida nito.

       "That's good, Kimmy. Love lang kayo parati ni Alexa para maging happy kami ni mommy, okay," nakangiti nitong sabi sa bata.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon