Chapter 22

25.5K 232 117
                                    

Chapter 22  (This chapter is dedicated to our birthday girls, Sunshine Dane and Rhose Escalante.)

      

   "Honey, gising naman please," malambing na niyugyog ni Celine ang balikat ng asawa.

   "Hon, anong oras na ba?" inaantok na tanong ni Liam.

   "Alas-sinko ng umaga."

  "Hon, ang aga-aga mo namang gumising. Matulog ka uli," anas ni Liam. Nasa tono ng boses nito ang sobrang antok. Gaya ng mga nagdaang gabi, halos madaling araw na ito dinalaw ng antok dahil sa init ng panahon.

   "Naiinitan kasi ako kaya hindi ako makatulog," reklamo ni Celine.

  "Hon, sinabi ko naman kasi sa iyo na maglagay tayo ng aircon, kaso tumanggi ka."

   "Hon, ang init talaga," naiinis na bulalas ni Celine. Isang bakol ang mukha nito.

 "Okay, matulog ka na uli. Papaypayan na lang kita hanggang sa makatulog ka." Tinatamad itong bumangon para maghanap ng pwedeng gamiting pamaypay.

  "Kung bakit kasi ngayon pa nasira ang eletric fan," nakasimangot na sabi ni Celine.

 "Ipapadeliver ko bukas din ang aircon and I don't want to hear any more  arguments from you, Celine. I've had enough of this!" matigas na sabi ni Liam. Halatang napipikon na ito.

  "Paano ang kuryente?"

 "Pwede ba, hon tigilan mo na ang kakaisip tungkol sa gastos ng kuryente. Bukas na bukas din ay iuutos ko sa secretary ko na kausapin ang Meralco para i-forward lahat ang bills starting this month sa account natin para walang problemahin sina nanay," yamot na sabi ni Liam.

   Hindi na kumibo si Celine nang makita ang nakakunot na noo ng asawa.

  "Bumalik ka ng matulog. At least isa man lang sa atin ay makatulog ng maayos ngayon," maanghang na wika ni Liam.

  "Debbie, nasaan ang mga reports na hinihingi ko sa iyo kanina?"  matalim na tanong ni Liam sa secretary.

  "Sir, sorry po nakalimutan ko po.  I'll get it now," natatarantang sagot ni Debbie.

   "Nakalimutan mo? You should pay more attention to your work, Miss Reyes!" singhal ni Liam.

  "Sorry po talaga, Sir William. Kukunin ko na po," naiiyak na sabi ni Debbie.

  Sa pagmamadaling makalabas ni Debbie ay muntik na nitong mabangga si Don Romulo na kasaluyang papasok sa opisina ng anak.

   "Mukhang mainit yata ang ulo mo, Liam," puna ng ama ng maisara na nito ang pinto.

   "Pa, kanina ko pa kasi kailangan ang mga reports na iyon," naiinis na sabi ni Liam.

   "Hijo, ano ba ang problema? Nag-away ba kayo ni Celine kaya mainit ang ulo mo?"

  "HIndi po kami nag-aaway, Pa. Kulang lang po siguro ako sa tulog kaya mabilis mag-init ang ulo ko," tahimik nitong sagot.

  "Ang hula ko ay dahil walang aircon kaya hindi ka makatulog," nakangiting sabi ng ama.

   "Napapayag ko na po si Celine na magpalagay mamaya ng aircon, Pa. At least kahit na two more days na lang kami doon kina nanay ay makatulog naman kami pareho ng maayos."

   "That's great, son! May meeting pala tayo with the board members later, nabasa mo na ba ang mga reports?"

   "Pa, pwede po bang kayo na lang ang mag-attend ng meeting mamaya. I have to accompany Celine sa first OB check-up niya," sabi ni Liam sa ama.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon