Chapter 25

19.5K 160 37
  • Dedicated kay Raye Anne Monjardin and Evelyn Maligaya
                                    

Chapter 25

  "Honey, bakit parang namumutla ka yata? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Celine sa asawang pinagpapawisan ng malamig.

   "A-ah, okay lang ako, hon," halos pumiyok ang boses nito. Sa dinami-daming Japanese Restaurants dito sa Maynila bakit dito pa naligaw itong babaeng ito! Naiinis na sabi ni Liam sa sarili.

   "Well, hello again Liam! I missed you!" sabi ni Sandra sabay yakap sa  lalakeng halos manigas sa upuan.

  Napaigtad si Celine sa upuan nang makita ang paghalik ng seksing babae sa asawa niya.

  "So, are you the mysterious wife of Liam?" matalim ang mga tinging ipinukol nito kay Celine.

   "Excuse me, do I know you?" nakakunot ang noong tanong ni Celine.

   Parang pamilyar ang mukha ng babaeng ito sa akin. Saan ko ba ito nakita?

   "I'm Sandra Lopez, the famous commercial model in the Philippines. Hindi ka ba lumalabas ng bahay at hindi mo nakikita ang maganda kong mukha sa naglalakihang mga billboards sa EDSA?" pang-uuyam nito.

   Ang kapal! Ito pala ang malanding babaeng na tsitsismis sa asawa ko! Hmp! Naku, Celine kontrolin mo ang sarili mo, huwag kang bababa  sa level nitong aswang na ito! Utos niya sa sarili.

   Nakita ni Liam kung paano nilalabanan ni Celine ang sarili para hindi patulan ang modelo.

    My wife is really an amazing, classy woman! Ang suwerte mo, Liam!

  "Sandra, as you can see my wife and I are having a private conversation over dinner. I'll appreciate it if you could leave us alone please," matigas na sabi ni Liam.

   "Babe, I missed you so much! Ang tagal mo kasing nawala sa sirkulasyon!" Patuloy nito na hindi pinansin ang sinabi ni Liam.

   "Miss, pwedeng bang huwag kang gumawa ng eksena dito. Hindi mo ka level si Janice De Belen o si Picache sa pag-arte," kalmado pero madiing sabi ni Celine.

   "You heard my wife, Sandra. Now, please leave before I ask the security to physically remove you from the premises," tahimik na banta ni Liam.

   "Pero Liam___" umpisa ni Sandra nang sumabad ang isa sa kasama nitong bakla.

   "Sandra dear, let's go girl bago tayo palayasin dito." Hinila nito ang babae palayo sa lamesa nila Liam at Celine.

  Tahimik na nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain si Celine. Habang nikikiramdam naman si Liam sa asawa.

   "Hon? Are you alright?" nag-aalang tanong ni Liam.

   "I'm okay, hon. Hindi ang tipo ni Sandra ang pag-aaksayahan ko ng panahon," malumanay na sagot ni Celine.

    "Hon, talaga namang walang basehan lahat ang tsismis sa amin ni Sandra noon hanggang ngayon. Alam mo namang ikaw lang ang babae para sa akin mula ng makilala kita hanggang ngayon. Hanggang nabubuhay ako ay walang pwedeng magmay-ari ng puso ko kundi ikaw lang."

    "Liam, relax honey. HIndi ako nagagalit sa iyo," nakangiti niyang sabi sa asawa. "Besides, I don't want to be stressed right now."

    "Thanks, Celine for believing in me."

   "Liam, naniniwala naman akong wala kayong relasyon ng Sandrang iyon. Kung hindi lang ako buntis, di hamak na mas seksi ako doon sa FHM model na iyon noh!" mataray na sabi ni Celine na sinundan ng ismid.

     "Tama ka, honey. Walang makakapantay sa ganda at kaseksihan mo para sa akin."

   "O tama na baka maniwala na talaga niyan," natatawang sabi ni Celine.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon