Chapter 41

17.2K 170 56
  • Dedicated kay Amy Padilla
                                    

Chapter 41

   "Kimmy, stop playing with your food!" marahan pero madiing utos ni Celine sa anak na nilalaro ang carrots sa plato. 

  Humagikgik si Alexa na nakaupo sa tabi ng kambal. Tumingin ito sandali sa kanya at saka ginaya ang ginawang paglalaro ni Kimmy sa mga carrots. Maya-maya lang ay dalawang bata na ang humahagikgik sa harapan ng mesa. Nang makita at marinig ni Baby Andrew na nagtatawanan ang mga kapatid, nagsisigaw na rin ito para sumali sa kaguluhan.

    Lihim na napangiti si Liam sa mga anak pero hindi nito pinahalata kay Celine na desididong disiplinahin ang mga bata. "Girls, stop playing when we're eating," sabi ni Liam sa tono ng boses na hindi mababakli.

    "But daddy__," naguumpisang reklamo ni Kimmy.

    "No, sweetheart. You and Alexa can play after you finish your lunch," kalmanteng sabi ni Liam sa mga anak.

    "Daddy, let's go to the mall!" sigaw ni Alexa.

   "Later, Alexa. Tapusin muna ninyo ang kinakain ninyo," sabi ni Celine.

   "Daddy, I want McDO," malambing na sabi ni Kimmy sa ama.

   "Me too, daddy!" excited na sabi ni Alexa.

   "Okay, sweethearts. Now, finish your veggies," wika ng ama.

   "Is Andy going also?" tanong ni Kimmy sa ina na sinusubuan ng pagkain sa high chair si Baby Andrew.

    "Oo Kimmy," sagot ni Celine.

    "Andy likes nuggets," parang matandang anunsyo ni Alexa.

    "I like flies," bulol na sabi naman ni Kimmy.

    Sabay na natawa si Celine at Liam.

    "Kimmy, you can have fries later," nakangiting sabi ni Liam sa anak.

    "Me too, daddy," bulalas na naman ni Alexa.

    "Da-da, Ma-ma!!!" Nakisali na rin si Andrew.

    "Tomorrow after church we will go to Tito Ethan's place," anunsyo ni Liam.

    "Yehey!!! We love Tito Ethan," sabay na sigaw ng kambal.

   Bumili si Ethan ng 3-bedroom town house malapit sa exclusive subdivision ng mga Ventura mula ng magdesisyon itong manirahan na sa Pilipinas para mamahala sa mga bagong bukas na mga restaurants ng pamilya sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Madalas itong dumalaw sa mansyon nila Liam at Celine kasama si Isabel. Halos tuwing weekend ay  doon ito naglalagi, nilalaro ang mga inaanak. 

    "Tawagan mo ng maaga si Ethan, honey. Sabihin mong tayo naman ang dadalaw sa town house niya bago iyon pumunta dito bukas," mungkahi ni Celine.

    "I'll call him later, hon."

     Please play the music on your right.

      "Ethan, may problema ba?" tahimik na tanong ni Isabel. Hinatid ni Ethan ang dalaga sa bahay nila Aling Martha.. Kasaluyang nasa loob ng kotse ang magnobyo.

       "Wala," tanggi ni Ethan.    

      "Lately kasi madalas ay parang malalim ang iniisip mo," puna ni Isabel.

     "You have an active imagination, sweetheart," bahagya itong ngumiti.

       "I really love you, Ethan," simpleng sabi ni Isabel.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon