Chapter 11

28.5K 222 96
  • Dedicated kay To my KSG Readers
                                    

Chapter 11

   "Patrick, akala ko ba sa Monday morning pa ang dating mo," nagtatakang tanong ni Celine nang makakalas siya sa pagkakayakap ng boyfriend.

   "Na-surprised ba kita, Babe? Gusto na kasi kitang makita kaagad. Sa Tuesday pa ang simula ng seminar namin pero may pre-seminar kami sa Monday kaya may time tayong dalawa mag-date bukas," nakangiti nitong sabi.

   Not if I can help it!!!  Inis na sabi ni Liam sa sarili.

   "Kailan ang balik mo sa Pilipinas?"

   "Kararating ko nga lang, Babe. Gusto mo na ba agad akong umuwi?" biro nito.

   Talagang dapat umuwi ka na at hayaan mo na kami dito ni Celine! Sigaw ng utak ni Liam.

   "Hindi naman sa ganoon, alam mo na may trabaho kasi ako dito. Every weekend lang ako pwedeng lumabas."

   "Babe, don't worry. Hanggang Friday lang ang seminar ko tapos libre na ako uli next weekend. Monday pa naman ang balik ko sa Pilipinas."

   "Siyenga pala, ito si Patrick Torres. Patrick, si Mr. Liam Ventura, apo ng amo ko," pakilala niya sa dalawang lalake.

   Nagsukatan ng tingin ang mga ito. Mas matangkad ng 3 inches si Liam sa dalawa. Masasabing guwapo rin si Patrick in a boyish way. 

   "Kumusta ka, pare?" nakangiting inabot ni Liam ang kanang palad sa kaharap. 

   "Masaya dahil nakita ko na ang babe ko," ani ni Patrick.

   Bubugbugin ko na ang asungot na ito! Ito ang nasa isip ni Liam habang nakangiti kay Patrick.

   Hay salamat at mukhang okay naman pala si Liam kay Patrick. Salamat sa Diyos. Ito naman ang usal na dasal ni Celine.

   "Tara maupo tayong lahat sa living room, siguradong pagod ka biyahe, Patrick," masayang anyaya ni Liam.

   "Thank you, Mr. Ventura," wika ni Patrick.

   "Linda, pakisabi kay Manang Verna na maghanda ng ng hapunan para makakain na si Mr. Torres," utos nito.

   "Opo Sir."

   Nasa mga mata ni Celine ang pagtataka sa kakaibang kinikilos ni Liam. 

   "So Mr. Torres, ano ang plano mo bukas?" kalmadong tanong ni Liam nang makaupo na sila sa sofa.

   "SIyempre magdadate kami ng babe ko," sabi nito sabay akbay kay Celine. 

   Nahuli ni Celine kung papaano umasim ang mukha ni Liam sa pag-akbay ni Patrick bago muli nitong itinago sa pamamagitan ng matabang na ngiti.

   "Saan ang plano ninyo? May I make some suggestions?" nakangiting tanong ni Liam sa lalake.

   "Sure, Mr. Ventura. Saan ba magandang dalhin ang special girl ko?"

   "Before anything else, please call me Liam. I'm practically a family of Celine now," ngiting-aso nitong sabi.

   "Okay, Liam. Tawagin mo na rin akong Patrick. Salamat naman at parang pamilya na sa inyo si Celine."

   Talagang pamilya ko na si Celine dahil ako ang mapapangasawa niya at hindi ikaw! Asungot ka!

   "So anyway, Liam anong mga lugar ba ang dapat naming puntahan ng babe ko?" Lalong humigpit ang akbay nito kay Celine.

   Muntik ng hindi makapagpigil si Liam sa nakita. Pero pinigilan niya ang sarili. Liam, kumalma ka lang muna at mas importante ang gagawin mo. Hindi ka pwedeng magpahalata, huwag mong ipapakita ang nararamdaman mong galit at selos. Babala niya sa sarili.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon