Chapter 36

18.9K 166 35
  • Dedicated kay Regine Ammerrae Alapag
                                    

Chapter 36

   "Ang hirap talagang mamili pagmagpapasko na, ang daming tao, traffic pa. Hay naku!" reklamo ni Rozanna.

   "Oo nga," sang-ayon naman ni Jojie.

   "O saan na tayo pupunta?" tanong ni Isabel sa mga kasama.

   "Celine, may bibilhin ka pa ba?" tanong ni Jordao.

   Kasalukuyang kasama ni Celine ang pinsan niyang si Isabel at ang tatlong nilang kaibigan na sina Jojie, Jordao at Rozanna sa mall.

  Isang araw na lang ay bisperas na ng Pasko at wala pa rin siyang nabibiling regalo sa asawa niyang si Liam kaya naisipan niyang yayain ang pinsan at mga kaibigan mag-shopping.

   "HIndi ko alam kung ano ang bibilhin ko para kay LIam," himutok niya sa mga kasama.

   "Nasa kanya na kasi ang lahat kaya ang hirap talaga," sabi ni Jojie.

  "Tie, shirts, relo?" sabad ni Rozanna.

   "Gusto ko iyong something na memorable naman," sabi niya.

   "Ano kaya iyon?" nakakunot ang noong sabi ni Isabel.

   "Wallet kaya o relo gaya ng sabi ni Rozanna?" suggestion ni Jordao.

  " Mga sisters, nakita ko Rolex ang suot na relo ni Papa Liam noh. Ang mahal kaya non," sabi ni Jojie.

   "Tama relo na lang na may inscription kahit na hindi Rolex dahil hindi ko naman kaya iyon at least galing sa akin di ba?" excited na sabi ni Celine.

   "Tama at least perosnalize," ani ni Jordao.

   "Tara doon tayo sa shops ng mga relo," yaya ni Isabel.

    "O hijo, nabili mo na ba iyong ireregalo mo kay Celine?" tanong ni Carmela nang dumating si Liam sa mansyon.

    "Yes, Ma. They will deliver it tomorrow afternoon. Sana magustuhan po ni Celine," nakangiting sagot ni Liam.

     "I'm sure naman, hijo basta galing sa iyo."

     "Ma, siyanga pala dumating na po ba Celine?"

    "Hindi pa, pero tumawag kanina para kumustahin iyong mga bata. Baka raw gabihin sila dahil ang daming tao sa mall ngayon."

     "Sabi ko kasing umorder na lang online para hindi siya mahirapan," napapailing sa sabi ni Liam.

    "Iba naman ang shopping sa mall, hijo kaysa online."

    Beep, Beep

    "Excuse me. Ma. May text message galing kay Celine."

    Celine: Hon, I'll be home late. Di pa ako tapos mag-shoppping.

    Liam: Ingat, hon. Love you!

    Celine: Luv u 2 <3

     "Ma, anong oras nga po pala ang dating nila Tita Dalia mamaya?"

    "Alas dies, kami na lang ng papa mo ang susundo kasama si Mang Domeng."

     "Sure, Ma. Aakyat na po muna ako sa taas at sisilipin ko lang ang mga princesa ko."

      "Sige hijo. Natutulog silang pareho kanina noong sinilip ko."

   Nadatnan ni Liam na umiiyak si Kimmy nang pumasok siya sa nursery, karga ito ni Yaya Daphne. Samantalang tahimik lang na natutulog si Alexa sa kuna habang nakabantay si Yaya Perla.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon