Chapter 28

19K 161 49
  • Dedicated kay Jasmin Parungao and Eimanah Baltao
                                    

Chapter 28

   "Kumusta ang pagre-relax ninyo sa Baguio," nakangiting salubong ni Dona Carmela sa mag-asawa. "O Magpahinga na kayo bago tayo maghapunan, siguradong napagod kayo sa biyahe niyan."

   "Oo nga po, Ma. Grabe ang traffic pauwi dito," inaantok na sagot ni Celine.

   "Hijo, sa sunod ay gamitin na lang ninyo ang company plane natin para hindi kayo mapagod. Alam mo namang, may on call na piloto parati."

   "Next time, Mama. Minsan kasi masarap din ang mag-road trip lalo na pagkasama mo ang mahal mo," sabi ni Liam sabay sulyap sa tahimik na asawa.

   "Ano nga palang mga ulam ang gusto ninyong ipaluto ko for dinner?" tanong ni Carmela.

   Yes! Sa wakas makakain na rin ako ng maayos. 

   "Ma, pakisabi sa cook na gusto ko po ng sweet and sour fish fillet, beefsteaks at chicken tinola," nakangiting sagot ni Liam. "Ikaw honey, anong gusto mong ipaluto?" Baling nito kay Celine.

   "Huwag na po, Ma. Marami po kaming dalang ulam galing sa Baguio," sabad naman ni Celine.

    "Hon, bukas na natin kaya ulitin iyong mga ulam na niluto mo para hindi agad maubos. Wait, I got a better idea, I can bring it tomorrow in the office for my lunch," excited na sabi ni Liam. Tama para maibigay ko sa mga empleyado ko. Solve ang problema ko. Yes!!! Magaling ka talaga, Liam lumusot!

  "Ano ba ang mga ulam na dala ninyo?" malumanay na tanong ni Carmela.

    "Chicken curry, Pinakbet at bangus po," magalang na sagot ni Celine.

   "Ha?!!! Pero hindi ku______," nanlalaki ang mga mata ng ina ni Liam.

   "Ma, masarap po kasi magluto si Celine kaya nakain ko po," mabilis na sagot ni Liam.

    "Ganoon ba? Pero paanong ______?" nalilitong tanong pa rin ng matandang babae.

     "Ma, pakisabi na lang po sa cook natin iyong mga gusto kong dishes for dinner," sabi ni Liam.

     Akala mo nakalusot ka na, Mr. Ventura humanda ka bukas. Hmp! Kung hindi lang ako nahihiya sa mama mo, ipauubos ko talaga sa iyo  lahat ang dala natin mamayang hapunan.

  "Hon, magpahinga na tayo sa taas," giniya ni Liam ang asawa papuntang hagdan.

    "Ma, papanik po muna kami," paalam ni Celine.

   "O sige, magpahinga muna kayo." Anong nangyayari sa mga batang ito? Sinabi na kayo ng anak ko kay Celine ang tungkol sa Sandrang iyon?



   "Honey, mahiga ka na para mamasahe kita," malambing na utos ni Liam nang makapasok na sila sa silid.

    "Magkuwentuhan muna tayo kaya, hon."

    "Gaya ng ano?" nakikiramdam na tanong ni Liam.

    "Anything, mga bagay-bagay na pwedeng pag-usapan. Tungkol sa mga barkada mong sila Ryan at Isaac, anong napag-usapan ninyo last Thursday sa club, maganda ba iyong club, dinadayo ba iyon ng mga celebrities? Kahit ano lang," inosente niyang tanong habang nakatitig sa asawang biglang pinagpawisan kahit na malamig ang kuwarto nila dahil sa lakas ng aircon.

      Ito na kaya ang tamang panahon para sabihin ko na kay Celine lahat ang  nangyari sa club. Sana maniwala sa paliwanag ko. Here we go, Liam. Sana hindi ako ma-outside the kulambo mamaya.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon