Chapter 27

17.9K 157 49
  • Dedicated kay Irene Habacon and Eimanahj Baltao
                                    

Chapter 27

    "Ma'am Celine, sigurado po talaga kayo sa mga niluluto ninyo? Nabalitaan po kasi namin dati na may cook sila sa mansyon na muntik ng masesante ni Sir Liam dahil nagkamaling magluto ng mga ulam na iyan," kinakabahang sabi ni Mila. "Kasi po talagang hinabilin po sa aming lahat na huwag magluluto ng mga ulam na iyan," patuloy nito.

   "Huwag kang mag-alala, Ate Mila. Extra special lahat ang mg iyan. Mga rekados na galing sa puso na tipong hinding-hindi makakalimutan ng SIr Liam ninyo!" Nakangising sabi ni Celine.

    "Galing po sa puso?" nanglalaking tanong ni Sarah.

    "Oo, Sarah. Iyong tipong tatatak sa isip ng Sir Liam mo hanggang sa tumanda siya," kaswal na sagot ni Celine.

    "Ma'am, pwede po bang plastic na plato, kutsara, tinidor at baso na lang po ang gamitin natin ngayon," ninenerbiyos na tanong ni Mila. "Para kung ibalibag ni Sir, hindi gaanong masakit."

    "Naku Ate Mila, huwag naman. Ilabas mo iyong pinakamaganda nating set ng dinnerware para naman lalong ganahan kumain ang asawa ko," mariin niyang tanggi.

      "Opo Ma'am Celine. Sandali po at kukunin ko lang po," nagmamadali itong lumabas ng kusina kasunod si Sarah.

     "Pahamak ka talaga, Sarah! Ano itong ginawa mo? Kung bakit kasi nanonood ka pa ng mga tsismis sa tv? Paano ngayon iyan, malamang bukas ay namamalimos na lang tayo sa bangketa dahil wala na tayong  trabaho dito," daing ni Mila sa kasama.

    "Malay ko ba na nasa kusina pala si Ma'am Celine. Pero Ate Mila, excited na akong makita ang reaction ni Sir sa mga niluluto ni Ma'am," humagikgik ito.

    "Heh, tumahimik ka nga diyan! Aatakihin na nga ako sa nerbiyos dito tawa ka pa ng tawa diyan!" angil nito.

   "Chill out, Ate M! Tatanda kayo niyan, sige alalahanin ang mga wrinkles sa fez!"

    "Ikaw na bata ka, puro ka kalokohan talaga! May pa chill out chill out ka pang nalalaman. Hala, kunin mo na nga iyong mga inuutos ni Ma'am bago pa lalo tayong mapahamak."

  "Ito na po, susunod na. Masyadong highblood talaga itong si Ate M," nakangiting sabi ni Sarah.

    "Hay, mga kabataan talaga ngayon," nailing na lang na wika ni Mila.

   "Honey, gising ka na at handa na ang special brunch natin," ala Monalisa smile ang ibinigay ni Celine sa asawa, mahiwaga.

  "Good morning, hon! Lalong gumanda ang umaga ko dahil sa iyo, honey. You're like an oasis in a desert, very refreshing," masuyo nitong sabi pagkatapos siyang halikan sa mga labi.

    "Totoo, honey. Huwag kang mag-alala dahil sa pinaramdam mo sa aking pagmamahal ay may hinanda naman akong special na mga dishes." Malapad ang ngiting ibinigay ni Celine sa asawa. Hudas Barabas humanda ka ngayon sa akin, Mr. Ventura! 

    "Wow! I can't wait, honey! Excited na akong kumain. Siguradong mauubos ko lahat ang hinanda mo. Siyempre luto yata ng pinakamaganda kong asawa," masaya nitong bulalas.

    "Talagang dapat mong ubusin, honey. Pinaghirapan ko yata lutuin lahat ang mga iyon para sa iyo," malambing na sagot ni Celine. Pupurgahin lang naman kita, honey!

    "Don't worry, hon. Siguradong simot lahat iyan, luto yata ng mahal kong misis."

     "Sabi mo iyan, honey. Magtatampo ako pag hindi mo talaga inubos," ismid niya.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon