Chapter 20

26K 183 173
  • Dedicated kay QamRaMTatao and RikkaRamos
                                    

Chapter 20

   "Is the Legendary Billionaire Playboy back on the limelight?"

   "Is the newly married Liam Ventura, playing the field again?"

  "Liam Ventura, the billionaire handsome playboy and Sandra Lopez, commercial model and  2012 FHM Philippine's Sexiest Woman winner spotted together at Club Fahrenheit."

   "Is Sandra Lopez the new  ladylove of the the legendary playboy, Liam Ventura?"

   "Is the newly married playboy Liam Ventura on the prowl again?"

   "Ang seksing modelo at bilyonaryong playboy" 


  Ito ang mga sumalubong na mga headlines mula sa entertainment sections ng iba't ibang pahayagan at tabloids kay Liam nang bumaba siya kinaumagahan para mag-breakfast. Nakakalat ang mga pahayagan sa isang lamesa malapit sa dining table.

   Hindi maipinta ang mga mukha ng magulang ni Liam nang maupo ito  para sumabay mag-almusal.

   "William, do you want to explain those headlines?" galit na sabi ni Don Romulo sa anak.

 "Pa, Ma don't believe those reporters. They are just trying to sensationalize everything to create a buzz," kaswal na paliwanag ni Liam.

  "Bakit may mga kuha kang pictures na parang hinahalikan mo iyong model na iyon?" akusa ni Dona Carmela.

   "Ma, she was blatantly flirting with me! I warned her to back off but I don't want to embarrass her either because there were a lot of people watching us. Kaya po binulong ko na lang sa kanya na may asawa na po ako."

  "Hindi mo man lang ba naisip na sa bawat galaw mo ay maraming nakaabang na mga photographers at reporters. Alam mo naman na sinusundan ka ng mga balita, Liam. Kaya nga kinausap na kita noong bago ka pumunta ng New York na mag-settle ka na dahil hindi maganda ang playboy image mo para sa kumpanya natin. At saka, paano kung mabalitaan ni Celine ang tungkol diyan sa club?" sita ni Don Romulo.

   "It was a lapse of judgement on my part, Pa."

   "Hijo, I think you need to call your wife and explain the situation before she finds out," payo ng ina ni Liam.

    "Tama ang mama mo, Liam. Tawagan mo na si Celine bago makarating sa kanya ang balita."

   "I tried to call her several times already but she's not answering her phone. I even tried Tita Dalia'a landline pero sabi po ng mga katulong ay ayaw raw makipag-usap ni Celine muna," nag-aalalang sabi ni Liam.

   "Nag-away ba kayo ng asawa mo bago nangyari itong gulo sa club?" tanong ni Carmela.

   "May kaunting tampuhan lang po kami, Ma."

   "Na pwedeng mauwi sa malaking gulo kung hindi mo aayusin ang buhay mo, William," naiiritang wika ng ama.

  "Pa, I'm sorry po, okay? Problemado na nga po ako sa asawa ko, dadagdagan pa ninyo ng sermon," reklamo ni Liam.

   "Tawagan mo uli, hijo pagkakain mo," pangungulit ni Carmela.

   "Iyon po talaga ang plano ko, Ma."

   "Sana lang ay hindi pa huli ang lahat," tahimik na sabi ni Don Romulo.

    New York City

   "Lola Rosa, gusto na po ninyong manood ng balita sa Patrol 24 Oras?" tanong ni Celine sa matanda. Mahilig kasi itong manood sa The Pinoy Channel (TPC).

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon