Chapter 9

27K 189 51
  • Dedicated kay Myla Alversado and Lica Tan
                                    

Chapter 9

   PLEASE PLAY THE MUSIC VIDEO

   Nagmamadaling pumasok sa kabilang apartment si Liam. Panay ang hinga nito ng malalim. 

   Hah! I love you, Patrick! Hindi na nahiya!  Alam kaya niya ang  tunay na kahulugan ng salitang iyon? Ha Celine? Ipapangako ko sa iyo, honey na sa akin mo lang mararamdaman ang tunay na kahulugan ng tunay na nagmamahal.

   Umuusok ang tainga ni Liam sa galit at selos na nararamdaman kay Patrick. I need to get out of this apartment building. Ito ang nasa isip ni Liam habang naglalakad ng paroon at parito sa kahabaan ng pasilyo ng apartment niya.

   Kinuha ni Liam ang cell phone sa bulsa at dinayal ang numero ni Joel Ramos.

   "Hello Joel," bungad niya nang mabosesan ang kaibigan sa kabilang linya.

   "Liam! Kumusta ang kaibigan kong playboy?" biro nito sa masayang boses.

   "Pare, pwede ba tayong lumabas ngayon gabi?"

   "Alas nuwebe na nang gabi? Sigurado ka? Teka, may ka-date ba tayong isasama?"

   "Wala, tayo lang. Si Herbert kaya sasama sa atin?"

   "Tatawagan ko, kaya lang baka hindi sumama iyon dahil alam mo na, si Anne," katwiran nito. Dati rin kasing playboy si Herbert pero mula nang makilala si Anne at nag-asawa ay malaki na ang tinino nito sa buhay.

   Nag-usap sila kung saan magkikita na bar. Pagkababa ng cell phone ay tinawagan ni Liam ang driver niyang si Mario para sabihin na may lakad siya.

   "Mario, umuwi ka na at mag-tataxi na lang ako mamaya pauwi o kaya ay magpapahatid na lang ako kay Joel," bilin niya sa driver.

   "Opo Sir Liam." 

   Ano kaya ang nangyari kay Sir Liam, mukhang malaki ang problema sa buhay. Ito ang nasa isip ni Mario habang tinitingnan ang papasok na amo sa bar.

   "Liam, over here," tawag ni Joel sa kanya nang makita siyang pumasok sa club. Kasama nito si Herbert sa lamesa.

   Lumapit si Liam sa mga kaibigan. "Thanks for coming mga pare," sabi ni Liam sa malungkot na boses.

   Nagkatinginan ang dalawa niyang kaibigan. Unang nagsalita si Herbert.

   "Liam, ano ang problema? Mukhang dala-dala mo ang global crises sa balikat mo ngayon."

   "Huwag mong sabihing iniwan ka na ni Celine. Nagloko ka naman siguro," tudyo ni Joel.

   Ikinuwento ni Liam ang totoong katayuan nila ni Celine, kung papaano sila nagkakilala sa eroplano at ang tungkol sa nobyo nitong si Patrick.

   "Pareng Liam, mukhang malaki nga ang problema mo kay Celine. Paano iyan ngayon?" tanong ni Herbert.

   "Hinding-hindi ako susuko kay Celine," matigas at determinado niyang sabi.

   "Baka naman nacha-challenge ka lang sa kanya, Pareng Liam? Mukhang hard to get si Celine, naiiba siya sa mga naging babae mo before," kaswal na sabi ni Herbert.

   "Herbert, totoo ang nararamdaman ko para kay Celine. Tinamaan talaga ako sa kanya," tahimik niyang sagot.

   "Paano iyan, pare? May boyfriend na si Celine sa Pilipinas at sabi mo nga ay pupunta dito sa New York," ani ni Joel.

   "Alam kong nauna si Patrick sa puso ni Celine pero sisiguraduhin ko na ako ang magiging huli sa buhay niya," determinadong sabi ni Liam sa mga kaibigan.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon