Chapter 3 (Asaran ang peg)

35.1K 262 99
  • Dedicated kay Xena Dianne Porte and June Marie Sapida
                                    

Chapter 3

 Please play the music video on your right screen. Thanks. 

   "Thank you doon sa ginawa mo kanina sa restaurant.  Babayaran na lang kita mamaya pagnakita ko na iyong pera ko," tahimik na sabi ni Celine nang papasok na sila sa tube ng eroplano.

   "Saan ang seat number mo?" simpleng tanong ni Liam.

   "48 A," maiksing sagot ni Celine. "Sigurista, akala yata tatakbuhan ko siya, tse!" 

   "I'll see you later," paalam ni Liam na sumisipol pa.

   "Aba, sa first class section pa papunta si Mr.Angas.  Bakit kaya siya na upgrade na naman? Suwerte naman ng hambog na iyon! Pero at least hindi ko na katabi sa upuan."

   Masayang nagpatuloy sa paglakad si Celine sa aisle para hanapin ang 48 A. Tatlohan ang upuan ng bawat hilera sa magkabilang gilid ng eroplano at limahan naman ang upuan sa gitna.

  "Sa may buntot pa yata ako ng eroplano papaupuin."

   May nakaupo na sa middle at aisle seats nang dumating siya. Sa bandang bintana ang 48 A kaya nakiraan siya sa dalawang babae. Matandang Filipina ang nakaupo sa gitna at isang kasing edad naman niyang babaeng Pinay din ang nasa 48 C.

   "Makikiraan po," nakangiti niyang sabi.

   Dahil sa sikip ng economy class section ay napilitang tumayo ang dalawa para makapasok siya sa loob.

   "Mahirap talaga pag-economy ano? Para tayong sardinas. Pero talagang ganoon, kailangan magtiis kung gusto mong makita ang pamilya mo," reklamo ng babaeng kasing edad niya.

   "Excuse me Ma'am,  do you want a seat in the first class section?" tanong ng lumapit na stewardess sa matandang babae na nasa 48 B.

   "No thank you. I'm so tired to walk back to the front of the airplane. Plus my rheumatism is acting up right now. I'm quite happy to stay here," tanggi ng matandang babae.

   "Miss, can I go instead?" Nagniningning ang mga mata ng mas batang babae sa pag-asam na makatikim ng first class service. Nakangiti lang si Celine na nagmamasid sa nangyayari. 

   "I guess so, Miss. Please wait, I'll try to find out," ani ng stewardess.

   Mamaya pa ay bumalik itong nakangiti sa kanila, parang kinikilig sa nalaman.

   "Miss, you may proceed to the first class section now, your seat number is 1 A.

   Nagmamadaling tumayo ang mas batang babae para pumunta sa harapan ng eroplano kung saan makikita ang first class section. Masayang masaya ang mukha nito na parang nanalo ng lottery.

   Hindi pa nag-iinit ang puwit ni Celine sa upuan nang bigla niyang narinig ang boses ng lalaking kinaiinisan niya.

   "Hi Honey! Miss me already?" nakangisi nitong bati sa kanya.

   Napanganga si Celine sa bumati sa kanya.

   "Ang angas talaga nitong hayop na ito, kapal ng fez! Hindi makapag-intay na bayaran siya!  Gigil na nasa isip ni Celine.

   "Anong ginagawa mo dito?" nakasimangot niyang tanong.

   "Sobrang na-miss kita agad kaya nakipagpalit ako ng seat para magkatabi uli tayo. Bati na tayo?" pilyo nitong sabi.

   "Hijo, dito ka na sa upuan ko at diyan na lang ako sa may aisle seat para makatabi mo naman ang misis mo. Tutal mas gusto ko diyan para madali akong makalabas papuntang banyo." Tumayo ito para lumipat ng puwesto. "At saka dapat magkatabi ang mag-asawa kahit saan," mataman nitong tiningnan si Celine na parang nag-aakusa ang mga mata. 

   "Naku Lola hindi po kami__" umpisa ni Celine para ituwid ang maling akala ng matandang babae.

   "Honey, did you also miss me?" pinutol ni Liam ang sasabihin ni Celine sa matanda.

   Babatukan ko na itong hambog na lalaking ito. Ughhh!"

   "Hijo, ito ay piece of advice lang, dapat ay susuyuin mo parati ang misis mo para hindi nagtatampo sa iyo. Mabilis naman mawala ang galit naming mga babae pagsinuyo."

   "Opo, makakaasa po kayo diyan, Lola.  Uumpisahan ko ng ligawin uli ang misis ko," tudyo nito.

   Hindi makapagsalita si Celine sa galit. "Makakatikim talaga sa akin itong maangas na lalaking ito. Humanda siya!

    "Thank you po at pumayag kayong makipagpalit ng upuan, Lola," magalang na wika ni Liam.

    "Naku, Hijo wala iyon," nakangiting sabi ng matanda.

    Hindi pinansin ni Celine ang katabing lalaki, nag-umpisa siyang maghanap sa bag ng nawawalang sobre ng pera.

     "Need some help, Hon?" patuloy nito.

   "Hoy, Mr. Ventura tumigil ka na kung ayaw mong mag-sky diving ng walang parachute," gigil na bulong niya dito.

   "Grabe ka naman, Honey! Brutal!" 

   "Talaga bang hindi ka titigil!" Halos gusto na niyang sumigaw dala ng frustration.

   "Okay, peace muna tayo." Tinaas pa nito ang dawalang daliri as a sign of peace.

   "Hmp, epal!"

   "Miss, do you want chicken or beef?" tanong ng stewardess na nag-seserve ng dinner.

   "Chicken," maikli niyang sagot.

   Beef naman ang inorder ni Liam.

   Tahimik na kumakain si Celine. Hindi pa rin nito pinapansin si Liam na mukhang nag-eenjoy sa pagkaing pinili.  Nagulat pa ito nang biglag magsalita ang katabing lalake.

   "Honey, tikman mo naman itong beef, masarap," hawak nito ang tinidor na may beef at tangkang isusubo sa kanya.

   Sa kabiglaan ay napanganga si Celine at naisubo ni Liam ang ulam na beef.

   "Masarap di ba?"

   "Oh to be young and in love!" kinikilig na sabi ng matandang babae sa kanila. "Naalala ko tuloy ang namatay kong asawa. Katulad mo din, hijo na napaka-sweet kahit na inaaway ko parati."

   "Totoo po, Lola! So kung susuyuin ko po ba parati ang honey ko, hindi na ako nito aawayin?"

   "Mapapatay ko na talaga ang lalaking ito!

   "Aray ko!" malakas na bulalas ni Liam nang maramdaman ang mainit na kape sa pantalon.

   "Naku, sorry honey! Hindi ko sinasadya, sobra lang ang pagka-clumsy ko ngayon!" inosenrteng sabi ni Celine. "Teka pupunasan kita."

   Sinimulan ng punasan ni Celine si Liam sabay kurot ng pino sa mga hita nito.

   "Aray naman Honey, nakikiliti ako sa ginagawa mo," pilit nitong iniiwas ang mga hita pero dahil sa sikip ng upuan ay hindi ito makaiwas kay Celine.  HIndi na nito mapigilan ang tumawa ng malakas dahil sa kiliti.

   "Basa pa ba, Hon?" nakangiting sabi ni Celine na halatang nangigigil sa inis.

   "S-Suko na ako, p-please stop," hindi matigil sa kakatawa si Liam. Halos maiyak na ito.

   "Ang sarap naman ang lambingan ninyong mag-asawa," tuwang-tuwa ang matanda sa kanila.

   Tumigil lang si Celine ng masiyahan na siya na nakaganti na siya sa maangas na lalaki.

***********Nasiyahan ba kayo sa "lambingan" ni Liam at Celine? Please write your comments po.

Gidget Corpuz (Facebook)

Gidgetwitty (Twitter and Instagram)

 www.facebook.com/KimXiFanFicStoriesByGidgetwitty.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon