Chapter 12

32.4K 253 83
  • Dedicated kay Jo-anne Maliksi and Nathanial Cruz
                                    

Chapter 12

Nagulat pa si Celine nang bigla siyang hawakan ni Nina sa braso.

"You are such a lucky girl, Celine! Mahal na mahal ka ng kaibigan namin. Ngayon lang namin nakita kung gaano katindi magmahal ang isang well known playboy na katulad ni Liam Ventura," sambit ni Nina.

"Believe us, Celine. Liam is a changed man because of you," singgit ni Anne.

"Ladies, mukhang ako ang pinag-uusapan ninyo," nakangiting sabi ni Liam ng makabalik ito galing sa pagkanta sa stage.

"Sinasabi lang namin dito kay Celine kung paano ka nagbago dahil sa kanya. Ang tinaguriang billionaire playboy ay isa na ngayong one-woman man," biro ni Anne.

"Naniwala ba naman sa inyo ang honey ko?" tugon nito habang nakatingin kay Celine na hindi kumikibo.

"I think she'll need more convincing from you," sagot ni Nina.

"Kahit na habang buhay kong patunayan sa kanya kung gaano ko siya kamahal ay gagawin ko," masuyo nitong sabi habang nakatitig pa rin kay Celine.

"Wow, I never thought I would hear this from you, Liam!" bulalas ni Anne.

"Corny ka rin pala, Liam pagna-inlove! So cheesy!" tudyo ni Nina.

"Kayo talaga, nahihiya tuloy ang honey ko," nakatawang sabi ni Liam.

Oh Lord, lalong pumopogi ang lalakeng ito ah! Ito ang nasa isip ni Celine habang nakatingin kay Liam. Pero paano ang gagawin ko kay Patrick? Kailangan ko munang kausapin ng masinsinan ang lokong iyon bago ko isipin ang tungkol sa amin ni Liam. Unfair para kay Patrick kahit ba ngayon ko lang na natuklasan na hindi pala totoong pagmamahal ang naramdaman ko noon sa kanya. Gusto ko lang sigurong masabing may boyfriend ako kaya ko iyon sinagot. Kaya pala hindi ko man lang nami-missed ang lalakeng iyon noong umalis ako sa Pilipinas. At saka ngayon ko lang nakita kung gaano kasama ang ugali ng ulupong na iyon, mapangmata ng kapwa at makasarili. Hay, ano ang gagawin ko?

"Hon, mukhang malalim ang iniisip mo hindi mo narinig ang tanong ko," nakangiting sabi ni Liam.

"Ha? Anong sabi mo?"

"Sabi ko kung nagustuhan mo ang kinanta ko kanina para sa iyo?"

"Ah eh maganda pala ang boses mo."

"Celine, ang tanong ni Liam kung naramdaman mo ba ang message niya sa iyo," sabad ni Nina.

Hindi makakibo si Celine. Namumula siya sa hiya.

"Lubayan na nga innyo muna si Celine. Hayaan na muna ninyong makapag-isip isip siya," saway ni Anne.

"Ikaw naman ang kumanta Celine," mungkahi ni Nina.

"Ayoko, nakakahiya," madiin niyang tanggi.

"Duet na lang kayo ni Liam please," hiling naman ni Anne.

"Oo nga, hiling ni buntis," biro ni Nina.

"Go Celine, go Liam!" sabay na sigaw ni Anne at Nina.

"Hon, pagbigyan na natin sila," unggot nito.

"Next time na lang, pagnasa bahay na lang tayo," matigas pa rin niyang tutol.

"Sige, mag-bonding uli tayo next weekend," excited na sabi ni Anne.

"Gusto ninyo sa apartment ko na lang?" tanong ni Liam.

"Iyon nga sana ang isa-suggest ko dahil maluwang ang apartment mo," wika ni Nina.

"Hindi ako makakasama sa inyo dahil huling weekend ni Patrick dito sa New York bago siya umuwi ng Pilipinas," kaswal niyang paliwanag sa grupo.

Napansin niyang kumunot ang noo ni Liam. Sa tingin niya ay nakikipagbuno ito sa sariling damdamin para magkaroon ng mahabang pasensiya sa narinig.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon