Chapter 13

27.1K 225 104
  • Dedicated kay Kieth Gidayao and Akexa Columna
                                    

Chapter 13

    Please the music on your right screen if you wish.

    Please check the photo on your right, that is the view of Central Park from the penthouse apartment of Liam.

   Sabay silang napatingin ni Liam kay Anne na tahimik na humihikbi sa isang tabi.

   "Anne, anong problema," nag-aalalang tanong ni Celine, matapos maibaba ang mike.

   "Nakakaiyak naman kasi kayong dalawa, mukhang in love na in love kayo sa isa't isa," lalo pa itong napaiyak.

   "Naku, na-touched lang kami sa duet ninyo. Para kasing kayo lang ang nag-eexist sa mundo kanina habang kumakanta kayo at saka alam mo naman ang mga buntis masyadong emotional," paliwanag ni Nina.

   Hindi nakakibo si Celine, namula siya sa obserbasyon ng dalawang babae. Patay, ganoon na ba ako ka-obvious! Ito ang nasa isip niya.

   Napangiti si Liam sa sinabi ni Nina at Anne. Yes!!! Liam!!! Kaunti na lang at akin ka na, Honey. At hinding hindi ka na makakawala pa sa akin oras na sagutin mo ako. Ito ang sinisigaw ng damdamin ni Liam habang pinagmamasdan ang magandang mukha ni Celine.

   Nag-ring ang doorbell...

   "Baka sina Joel at Herbert na iyan," ani ni Nina.

   "Ako na ang magbubukas," sabi ni Liam. Lumakad ito para tingnan ang nag-door bell.

   "Pare, pasok na kayo." Narinig nilang sabi ni Liam.

   "Kumusta si Patrick?" tanong kaagad ni Celine nang makapasok ang dalawang lalake.

   "Ayon, tulog na tulog sa kalasingan, baka sa pasko pa magising iyon," nakangising sabi ni Joel.

   "Okay lang ba si Patrick?" nababalisang tanong niya. Kahit na nakakainis ang mokong na iyon, nakakaawa din naman. 

   "Bakit ba concern na concern ka sa lasenggong iyon?" nag-uumpisa na namang mairita si Liam.

   "SIyempre naman, mag-isa lang iyon dito sa New York. Baka may mangyari," depensa niya.

   "Ang pwede lang mangyari sa asungot na iyon ay magkaroon ng matinding hangover bukas ng umaga. Ewan ko lang kung makaka attend pa iyon ng-pre conference," matabang na sabi ni Liam.

   "Uuwi na kami at itong buntis kong asawa ay pagod na," anunsyo ni Herbert habang inaalalayan si Anne.

   "Kami rin ay aalis na," wika naman ni Joel na nakaakbay kay Nina.

   "Uuwi na rin ako," paalam niya kay Liam.

   "Celine, pwedeng bang mag-usap muna tayo sandali pagkaalis nila," bulong ni Liam sa kanya. 

   Tahimik siyang tumango.

   "Utang na loob, Celine maawa ka naman sa amin. Sagutin mo na iyang kaibigan naming nagdudusa sa lalong madaling panahon bago makaisip na naman ng ipapagawa sa amin," tudyo ni Joel.

   "Oo nga, Celine. Sagutin mo na si Liam para hindi maisipan na bigyan na naman ako ng another birthday dinner ngayong taon na ito, tatanda ako sa ginagawa niyan," nakangiting reklamo ni Nina.

   "Anong ibig mong sabihin?" nagtataka niyang tanong.

   Shit, mukhang mabubuko ako ni Celine. Ang dadaldal naman kasi ng mga kaibigan ko. Hindi makapagpreno ng kuwento! Inis na sabi ni Liam sa sarili. Hindi makasenyas si Liam sa mga kaibigan na tumahimik dahil nakatingin sa kanya si Celine habang nakikinig sa mga kuwentuhan nito.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon