Chapter 37

18K 150 54
                                    

Chapter 37

      Please play the music video.

    "Sorry, Ethan hindi ako pwedeng manood bukas. Nangako ako kay Celine na magba-bonding lang kami tomorrow for Christmas kasama ang buong pamilya." May panghihinayang ang tono ng boses ni Isabel.

    "I guess we'll just have to do it next time," kaswal na sabi ni Ethan.

    "Yes, next time," mahinang sambit ni Isabel.

    "And to answer your question, yes it's a date Isabel," nakangiting wika ni Ethan sabay kindat sa dalaga at saka ito tumalikod para kausapin ang mga magulang na nasa kabilang parte ng sala.

   Napanganga na lang si Isabel habang nakatingin sa nakatalikod na lalake, hindi makapaniwala sa sinabi nito.

     Kinabukasan, Araw ng Pasko

  "Merry Christmas, Mrs. Ventura!" nakangiting bati ni Liam sa kagigising na asawa. Nakatukod ang isang siko nito sa kama habang pinagmamasdan siya.

    "Merry Christmas, honey!" sabi niya sabay yakap sa asawa.

   "Wow, sana Christmas na lang lagi para malambing ka," natatawang sabi ni Liam.

    "Ito naman, malambing naman ako parati sa iyo."

    "Mas malambing ako sa iyo," tanggi nito.

    "Sige nga nga, mas malambing ka na," sang-ayon niya.

    "Hon, may gusto raw iregalo sa atin sila papa at mama," sabi ni Liam habang nilalaro ang ilang hibla ng buhok niya.

    "Regalo na naman? Ang dami na ngang regalong binigay sa atin kagabi sila papa at mama." Naalala niya ang isang set na necklace, bracelet, at pair of earrings na diamonds ang regalo ng mag-asawa sa kanya at New IPad. Samantalang bagong Apple Mac Pro computer naman ang ibinigay ng mga ito sa unico hijo nila.

    "Hon, get use to it. Mahal na mahal ka kasi nila papa at mama."

   "I'm the luckiest woman in the world, honey! I have a wonderful and loving husband and the most caring in-laws!" masaya niyang bulalas.

   "Talaga hon! So anong premyo ko?" pilyo niyong wika.

   "Ito," sabay halik sa mga labi ng asawa na ginantihan naman ni Liam ng mas mainit na mga halik. Hindi naglaon ay lalong lumalalim ang mga halik nito sa kanya. Naging malikot ang mga kamay nito, dumausdos ang mga ito pababa, hinaplos nito ang kanyang mapuputi at makinis na mga hita.

   "You are so beautiful, honey," mahinang bulong ni Liam.

   "Liam," anas niya.

   "Sir Liam, Ma'am Celine!" tawag mula sa labas ng pinto ni Inday.

  "Hon, tinatawag tayo," bulong niya sa naiiritang asawa.

  "Ignore her, hon please." Patuloy ito sa paghalik sa leeg  at likod ng tainga niya.

 "Hon, teka lang baka importante." Pilit siyang kumawala sa pagkakayakap ni Liam.

   Napaupo sa gilid ng kama si Liam, halatang nanggigigil ito sa inis.

   "I just hope she has a good excuse for interrupting us," nakakunot ang noo nito.

   Binuksan niya ang pinto para alamin kung ano ang pakay nito sa kanilang mag-asawa.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon