Chapter 42

16.4K 165 37
  • Dedicated kay Lhee Camonino, the birthday girl!
                                    

Chapter 42

  "Mommyyy!!!" matinis ang boses na sigaw ni Kimmy habang tumatakbo papunta kay Celine, hawak nito ng mahigpit ang letrato.

     "We found something!" excited na sigaw naman ni Alexa, kasunod ito ni Kimmy.

    "Shhh, ang ingay talaga ninyong dalawa," saway ni Celine.

    "Look, mommy!" Inabot ni Kimmy sa ina ang hawak na larawan. 

  "Where did you get this?" Nakakunot ang noong tanong ni Celine sa kambal.

    "Under Tito Ethan's pillow," mabilis na sagot ni Alexa.

    Napatda si Celine sa narinig. 

   Anong ginagawa ng picture ko sa ilalim ng unan ni Ethan?

     "Where's my daddy?" tanong ni Kimmy habang tinitingnan ang paligid ng sala. Nawala na ang interest nito larawan nang hindi makita ang pinakamamahal na ama.

   "May kinuha lang sandali sa car, Kimmy. Babalik agad iyon," reassure niya sa bata.

      Nagmamadali itong lumabas kasunod si Alexa para sundan si Liam.

     "Girls, wait!" tawag ni Celine pero nakalabas na ang dalawang paslit bago pa ito napigilan ng ina.  Wala itong nagawa kung hindi sundan ang mga anak sa labas. 

    Naubutan ni Celine na nakayakap sa tig-isang binti ang kambal habang kalong naman ni Liam ang anak na lalake.

    "Daddy, let's go to the park." Tinuturo ni Alexa ang park na natatanaw mula sa townhouse.

    "Please, daddy!" sabi naman ni Kimmy habang yakap-yakap ang ama.

  "Paano ba ito, honey?" nakangiting tanong ni Liam sa asawa. "Sasamahan ko lang sandali ang mga ito sa park. Pakisabi kay Ethan, we'll be back in 30 minutes."

     Pagkakataon ko na ito para makausap si Ethan. Kailangang malaman ko kung ano ang ginagawa ng picture ko sa ilalim ng unan niya. 

    "Okay, honey. Mag-ingat kayo," sagot ni Celine kay Liam.

    Time to know the truth!



       Please play the music video.

      Naabutang niyang palabas ng bedroom si Ethan, basa pa ang buhok nito. Ngumiti ito ng makita siya.

     "Nasaan si Liam at ang dalawang super makulit kong mga inaanak?"

      "Nasa park, babalik sila in half an hour." 

     "Do you want anything to drink while waiting, Celine? Ano nga pala ang gusto ninyong orderin ko for lunch?" masayang tanong ni Ethan.

     "Ethan, bakit may picture ako sa ilalim ng unan mo?" tahimik na tanong ni Celine sa lalake habang pinapakita ang letrato. Kitang-kita nito kung paano tinakasan ng kulay si Ethan sa narinig. Para itong nilublob sa saka.

       "Ha?!!! Paanong____?" 

     "Itong picture na ito, anong ginagawa nito sa ilalim ng unan mo?" nag-uusig ang mga mata ni Celine.

       "P-Paano?"

       "Nakita ito ng kambal sa ilalim ng unan mo. Bakit, Ethan?"

       "C-Celine, I-I'm sorry. Baka nahulog lang d-doon. H-Hindi ko alam kung paano," kanda-utal na paliwanag nito sa kaharap.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon