Chapter 17

25.2K 187 119
  • Dedicated kay gelahthine and Wendell Jurado
                                    

Chapter 17

   "Kuya Jake, may importante akong sasabihin sa inyo ni Nanay," excited na sabi ni Celine.

  "Ano iyon, Celine? Mukhang masayang- masaya ka ngayon," natatawang saad ni Jake sa kapatid.

   "Kuya, niyaya na akong magpakasal ni Liam," masaya niyang balita. Naikuwento niya sa nanay at kuya niya ang puspusang pangliligaw na ginawa sa kanya ni Liam at ang pagsagot niya ng oo sa lalake. Noong una ay nabahala ang pamilya niya sa bilis ng pangyayari pero kinausap ni Liam ang ina at kuya niya para tiyakin ang malinis nitong hangarin para sa kanya.

   "Ano?!!! Kasal na agad? Bakit ang bilis naman? Buntis ka ba, Celine Marie Fontanilla?" sunod-sunod na tanong ni Jake sa kapatid.

   "Kuya naman, ang oa mo! Hindi ako buntis noh! Mahal ko lang talaga si Liam," sabi niya.

   "Celine, masyadong mabilis. Hindi ba mas mabuti kung makilala muna ninyo ang isa't isa?" payo ni Jake.

   "Kuya, mahal na mahal din ako ni Liam. Masaya at magkasundo kaming dalawa. Anyway, uuwi na ako sa isang buwan. Mauuna si Liam sa aking umuwi dahil kailangan na raw siya ng papa niya diyan sa kumpanya nila sa Piipinas."

   "Hay, Celine. Sana nga ay tama ang decision ninyo na magpakasal kaagad. Hindi biro ang mag-asawa," walang magawang sabi ni Jake sa kapatid.

   "Ang kuya naman kung mag-salita ay parang may asawa na. Si nanay nga pala?"

  "Namalengke. Ako na ang magbabalita sa kanya mamaya," wika ni Jake.

  "Sige Kuya, salamat."

  "Sis, mag-ingat ka parati diyan."

  "Mama, I have a very big surprise to tell you and papa when I get home next week," umpisa ni Liam nang sumagot sa telepono si Dona Carmela.

  "Hijo, everytime na kausap kita parati mong sinasabi na may surprise ka. Ano ba iyon?" natatawang sabi ng ina.

  "Ma, pag-uwi ko na please."

  "Oo na basta siguraduhin mong magandang sorpresa iyan ha," sabi ng ina.

  "Opo, siguradong matutuwa kayo ni papa," kumpiyansang sabi ni Liam.

  "Alam mo naman na isa lang ang magbibigay sa amin ng kaligayahan."

  "Ma, alam ko po. Apo di ba?"

  "Mga apo, hijo! Maraming apo," madiin nitong sambit.

  "Ma, pwedeng isa muna?" natawang biro ni Liam.

  "Naku, dalian mo na at naiinip na kami ng papa mo."

  "Noted, Ma. Sige, I'll call you tomorrow evening to let you know about my flight next week. Bye for now. Love you, Ma," paalam ni Liam sa ina.

  "I love you, son!"

    (Please play the music video on your right. Thanks)

  "Hon, ayaw mo ba talagang sumamang umuwi sa akin next week?" tanong ni Liam habang nanonood ito sa pagluluto niya. Naisip ni Celine magluto ng hapunan sa apartment ng nobyo noong gabing iyon.

  "Next month na lang, hon," mabilis niyang sagot habang hinahalo ang menudo sa kawali.

   "Siyanga pala, anong color ang gusto mong motif sa wedding natin?"

   "Hmmm, favorite ko ang lavender. Ikaw, ano ang gusto mo?"

  "Kung ano ang gusto mo, hon. I want you to experience your dream wedding. Kung ano ang pinangarap mong kasal ay iyong ang sasabihin natin sa wedding planner natin. Money is no object. Lahat ng gusto mo ay gagawin natin, honey."

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon