Chapter 31

17.6K 126 43
  • Dedicated kay To my friend, Eimanahj Baltao
                                    

Chapter 31

    "Hijo, may balita na ba tungkol kay Celine?" tanong ni Dona Carmela sa anak na bagsak ang mga balikat nang dumating.

    "Saan ka nga pala galing? Bakit lukot ang polo mo? At parang hindi ka yata natulog dito kagabi," nakakunot ang noong tanong ng ina.

    "Doon po ako sa kabarkada ko nakatulog kagabi, Ma."

   "Dios mio! Iyong dalawang kaibigan mo na masama pa kay Hudas ang mga ugali!" ismid nito.

    Hindi nakakibo si Liam sa sinabi ng ina. 

   Totoo ang sabi ng Mama niya, dapat na talaga niyang iwasan si Ryan at Isaac kung gusto niyang maging tahimik ang buhay niya.

    "Nakausap mo na ba ang biyanan mo kung may balita na sila kay Celine?"

     "Katatawag ko lang po ngayon habang nasa taxi ako, wala pa rin po silang balita."

    "Hay, ano na kaya ang nangyayari sa manugang ko?" nag-aalala nitong wika.

      "Don't worry, Ma. Whatever happens, hindi po ako titigil hanggang hindi ko nahahanap si Celine," determinadong anunsyo ni Liam.

    Tumango lang si Donya Carmela. Kilala nito ang anak, hindi ito bibitiw hanggang hindi nito nakukuha ang gusto.

    "Ethan!" gulat na bulalas ni Celine.

    "Hi Celine," nakangiti nitong bati.

    "Paano mong nalaman ang tinitirhan ko?" naguguluhang tanong ni Celine.

     "Sinundan ko si Isabel. I trusted my instinct and I was right, nandito ka nga."

      "Sorry, Celine," nahihiyang sabi ni Isabel sa pinsan.

      "Wala kang kasalanan, Isa."

      "Celine, nahihirapan na si Liam sa paghahanap sa iyo. Hindi alam ng pinsan ko kung bakit ka biglang umalis."

    "Ethan, magulo pa ang isip ko. Kakausapin ko rin si Liam kapag handa na ako," malungkot niyang sagot. "Please have a seat." Tinuro niya ang silya sa may harapan niya.

      "Naaawa lang ako sa pinsan ko dahil hirap na hirap na ang loob niya sa pag-aalala sa iyo, Celine. I think you should call him," tahimik na sabi ni Ethan.

    Napabuntong-hininga ng malalim si Celine. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko."

    "The truth," simpleng sagot nito nang makaupo na ito sa silya.

    "Excuse me, maiwan ko muna kayo dito sandali," paalam ni Isabel sa dalawa.

     "Salamat, Isabel," sabay na sabi ni Ethan at Celine.

     "Celine?" untag ni Ethan.

     "Ethan, pinakasalan lang ako ng pinsan mo para makuha niya ang  kumpanya nila," halos pabulong niyang pahayag. Hanggang ngayon ay masakit pa rin tanggapin na pinakasalan lang siya ng lalakeng minahal niya para lang sa isang kumpanya.

    "Celine, nagkakamali ka ng akala. Hindi magagawa ni Liam ang iniisip mo. Mahal na mahal ka ng pinsan ko. Ngayon ko lang nakita kung papaanong magmahal si Liam sa babae. Ang daming babaeng naghahabol kay Liam pero sa iyo lang siya nagpakasal, hindi pa ba patunay iyon na talagang mahal ka ng pinsan ko?" Deretcho ang tinging ibinigay nito sa kanya.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon