Chapter 34

19.3K 179 63
                                    

Chapter 34

   "Sir, you have a personal call on line 3," anunsyo ng sekretarya ni Liam.

   "Hello," wala sa sariling sagot ni Liam,  okupado ang isip nito sa binabasang report sa  computer. 

    "Hi Babe, I miss you so much, loverboy!"  anang tinig na malandi.

   Biglang napakunot ang noo ni Liam. "Excuse me, who the hell are you?"

   "Ikaw naman, magtatampo na ako lalo niyan sa iyo. Almost two months ka ng hindi nagpapakita sa akin tapos ganyan lang ang ang sasabihin mo sa akin. Everytime na tatawag ako sa cellphone mo, sa voice mail napupunta. Mabuti na lang at sa wakas ay na-contact din kita dito sa office. Parati kasing sinasabi ng secretary mo na may meetings ka o kaya ay wala ka," may himig pagtatampo ang boses nito.

     "Sandra?" iritadong bulalas ni Liam.

    "Sino pa ba ang tatawag sa iyo ng Babe," maarte nitong sambit.

    "Listen, I don't have time to play your silly games, Sandra. So please leave me alone," maanghang niyang sabi sa babae.

     "Babe, you were very sweet to me when we were in bed together that last time, remember?" nagmamaktol nitong reklamo.

     Natigilan si Liam, hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa isipan niya ang nangyari sa kanila ni Sandra noong gabing iyon. Hindi pwedeng malaman ni Celine ang nangyari sa amin ni Sandra. Siguradong hindi lang outside the kulambo o outside the bedroom ang mangyayari sa akin, siguradong sa labas ng planeta na ako pupulutin nito pagnagkataon. Kailangang iwasan ko talaga ang babaeng ito!

     "I'm really busy right now. Stop bothering me!" Iyong lang at saka ibinagsak nito ang telepono.

       "Debra! Please come to my office now!" sabi niya sa ma-autoridad na boses.

      "Sir, bakit po? May iuutos po ba kayo?" nenenerbiyos nitong tanong sa among galit na galit ang boses.

    "Di ba kabilin-bilinan ko sa iyo na huwag mong ipapakausap sa akin si Sandra Lopez," umpisa niya.

        "Opo Sir. Alam ko po iyon, Sir," tumango-tango ito.

        "So please explain to me why in the hell did you put her through my extension?" Alam niyang wala na sa katwiran ang galit niya dahil si Debbie ay isa sa napaka-efficient na naging secretaryn niya.  Kung tutuusin ay ngayon lang niya nasigawan ito mula ng nagtrabaho ito sa kanya.

        "Ano po kasi, SIr" nanginginig nitong umpisa. Grabe palang magalit si Sir parang lalamunin na ako ng buhay.

        "I just told you, are you deaf?" singhal ni Liam.

        "Naku Sir, sorry po kasi si Patricia po kasi ang nag-relieve sa akin habang may kinuha po ako sa Human Resource department. Hindi po niya alam iyong bilin ninyo tungkol kay Miss Lopez," mangiyak-ngiyak nitong paliwanag.   

     Napabuntong-hininga ng malalim si Liam, pilit na pinakakalma ang sarili. Alam niyang kaya siya nagkakaganito ay dahil sa takot na malaman ni Celine ang tungkol sa kanila ni  Sandra. Damn you, Sandra!

     "Sorry po talaga, Sir," naiiyak na sabi ni Debbie na pumukaw sa iniisip ni Liam.

       "I'm sorry for shouting at you., Debbie. I did not mean it," hingi niya ng paumanhin sa sekretarya. "You may go now," sabi ni Liam sa mababang boses.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon