Chapter 24

20.8K 169 88
  • Dedicated kay Joyce Lagpao and Cristina Apolinario Ajero
                                    

 Chapter 24

    Please play the music video.

   Oras na pumasok sila ng sala ay mabilis na sumalubong ang mag-asawang Romulo at Carmela sa kanila.

  "Kumusta ang check-up mo, hija?" sabik ng tanong ni Carmela sa manugang.

   "Okay raw ba ang magiging apo namin," nag-aalalang tanong naman ni Romulo.

  "Relax Ma, Pa. May maganda kaming balita sa inyo ni Celine," nakangiting wika ni Liam.

   "Ano iyon?" sabay na tanong ng dalawang matanda.

   Lihim na nagkatinginan si Liam at Celine. Nagkangitian silang pareho.

  "Ma, Pa kambal po ang magiging apo ninyo!" excited na bulalas ni Liam.

   "Ha! Kambal!" sabay na napasigaw sa tuwa si Romulo at Carmela.

   "Son, what can I say? Isang apo lang ay napakalaking blessing na sa atin, pero naging kambal pa! Sobra-sobrang biyaya pa pala ang ibibigay ng Diyos," naluluhang pahayag ni Romulo habang tinapik-tapik sa likod si Liam.

   "Pa, nagiging emotional yata kayo ngayon," nakangiting tudyo ni Liam sa ama.

   "Tumatanda na kasi ang papa mo kaya nagiging iyakin na," biro ni Carmela.

  "Darling, tinutukso mo pa ako diyan samantalang nakita ko iyong luhang pinahid mo ngayon lang," malambing na buska nito kay Carmela.

  "Tears of joy iyon, Romulo. Napakasarap talaga ng pakiramdam na magiging lola na ako."

  "Aba kailangan nating mag-celebrate. Gusto ba ninyong mag-party tayo dito o sa hotel? Siyempre kami ng mama mo ang bahala sa lahat ng gastos," masiglang tanong ni Romulo.

    "That's great, Pa. We need to celebrate. Pero ako na po ang bahala sa gastos," sang-ayon agad ni Liam sa suwestiyon ng ama.

   "Huwag na po, Pa. Magastos lang po iyan," mariing namang tanggi ni Celine.

   "Huwag mong intindihin ang gastos, hija. Lahat ng pwede kong ibigay ay ibibigay ko para sa mga apo ko!

   "Siyanga pala, hija. Gusto mo bang samahan kitang mag-shopping na ng mga gamit para sa mga kambal?" tanong ni Carmela.

   "Masyado po yatang maaga pa, Ma."

   "Mas mabuti ang maaga para makapili ka ng maayos sa mga gamit na gusto mo para sa mga babies."

   "Ma, sasama na ako sa pag-shopping ninyo," sabad ni Liam.

 "Ikaw sasama mag-shopping? Himala gusto mo ng mag-shopping ngayon," sabi ni Carmela.

   "Bakit po?" tanong ni Celine.

 "Walang kasing tiyaga mag-shopping iyang asawa mo, Celine. Madaling mainip," natatawang wika ni Carmela.

   "Totoo po?"

   Napangiti si Liam. "Lahat na yata ng ayaw ko dati ay ginagawa ko na ngayon dahil sa iyo, hon."

  "Tanda lang iyan na talagang mahal na mahal ka ng anak ko, Celine," ani ni Romulo. 

   Pagkaraan ng ilang sandali ay inulit muli ni Romulo ang tanong tungkol sa party na gusto nitong gawin. Ngunit sa bandang huli ay napapayag din ni Celine ang mga in-laws at asawa na kumain na lang sila sa labas kasama ang buong pamilya para mag-celebrate.

   "Nanay, pinapaalala ko lang po uli iyong lakad natin bukas ng hapunan po. Susunduin po namin kayong dalawa ni Kuya Jake ng bandang alas kuwatro. Tinawagan ko na rin po si Isabel para sumama sa atin." 

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon