Chapter 6 (Revelation)

33.2K 224 76
  • Dedicated kay Xian Lim
                                    

Chapter 6

 This chapter is dedicated to our the birthday boy, Xian Lim.

Please play the music video on the right screen. 

   "Anong sabi mo?" naguguluhang tanong ni Celine.

   "I fell in love with you from the moment our eyes met," tahimik nitong sabi. Masuyo nitong hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa mukha niya dahil sa lakas ng hangin.

   "Hoy, gutom at pagod lang iyan! Umuwi na nga tayo at baka lalong pasukan ng hangin ang utak mo," iwinaksi ni Celine ang kamay nito.

   "Seryoso ako, Celine.  Mahal kita," tinitigan siya nito ng diretso.

   Nanuyo ang lalamunan ni Celine sa sinabi ng kaharap na lalake.

   "Will you please give me a chance to show my love for you?"

   "Liam, may boyfriend akong naghihintay sa pagbalik ko sa Pilipinas," sambit niya.

   "Maghihintay ako hanggang handa ka na, Celine. Hindi ako magsasawang ipakita sa iyo ang nararamdaman ko," mahina pero mariin ang pagkakabigkas ng salita nito.

   "Liam, nagsasayang ka lang nang oras," matigas niyang sabi.

   "Walang masasayang na oras pagkasama kita," determinado nitong sagot. "I will keep on loving you even if you don't want me to."

   "Liam!" iritado niyang bulalas niya.

   "Yes, honey?" inosente nitong tanong.

   "Umuwi na nga tayo! Mahirap kang kausap," irap niya.

   "I just want you to know how I feel, Celine."

   "Ngayong alam ko na, pwede na ba tayong umuwi?" mataray niyang tanong habang nakahalukipkip.

   Huminga ito nang malalim at saka tumango. Tahimik na inalalayan siya nito papuntang elevator.

   Nakarating sila sa apartment ng mga Rodriguez nang hindi nag-iimikan. Akala niya ay aalis na rin ito pagkahatid sa kanya pero dumiretso ito sa living room.

   "HIndi ka pa ba uuwi sa apartment mo?" kaswal niyang tanong.

   "Honey, it's too early to go to bed unless I'm sharing it with someone," pilyo ang ngiting ibinigay nito sa kanya.

   "Mauna na ako sa iyo, inaantok na ako," paalam niya at naghikab siya kunwari.

   "Pwede bang tumabi, Hon?" halos pabulong nitong sabi.

   "Ano kamo?" asik niya.

   "Sabi ko magkuwentuhan muna tayo dito please," nakangiti ito sa kanya ng ubod ng tamis.

   "Inaantok na nga ako. Anong oras pala iyong party bukas?"

   "5 pm ang kasal sa East Hampton, so kailangan nating umalis dito nang 2 pm para hindi tayo ma-traffic. Mga two-hours drive din ang papunta doon." Kilala ang East Hampton, na lugar ng mga nagagandahang mga mansyon ng mga milyonaryo at bilyonaryo sa New York o kaya ay bahay-bakasyonan ng mga tycoons o magnates.

   "Sige, bukas na lang tayo magkita dito nang 2 pm."

   "Samahan mo muna ako dito," yaya nito uli. Bago nakasagot si Celine ay nag-ring ang cell phone niya sa bag.

   "Unknown caller," ito ang nakasulat sa screen.

   "Hello?" bungad niya.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon