Special Chapter

37.8K 975 204
                                    

LORENZ

May yumakap sa likuran ko pero heto at abala parin ako sa harapan ng laptop ko. Ang dami kong tatapusing trabaho, kaasar!

"Mahal, mauna ka ng matulog. Tatapusin ko lang 'to."

"Psx! Parang wala ng bukas sayo."

"Mahal naman." Nilingon ko siya sabay nguso. Inirapan naman niya ako. "Kailangan kong tapusin 'to para bukas."

"Psx!"

Tumayo ako't ipinagsalikop ang kamay sa baywang niya. "Gusto mo ba akong mapahiya sa mga board tomorrow?" Hindi siya sumagot at inirapan na naman ako. "Sige na."

Nagdadabog siyang nahiga sa kama. "Aalis na kami," nagmamaktol niyang saad. "Puro ka nalang trabaho. Kung yang laptop mo nalang kaya pinakasalan mo--psx!"

Agad napataas ang kilay ko hinahalikan sa noo isa-isa ang dalawang anak ko. Si Zoorenz ay doon na natutulog sa silid ni mommy dahil wala naman itong kasama.

Nakaupo na 'ko ulit paharap sa laptop nang umingit ang anak kong babae. Si Zoo, ayon at hindi pinansin ang anak niya, kaya ako na ang tumayo at kinarga ito.

"Baby Zyrence." She's eight months old now and she looked a lot like her mother. Kulang nalang patayin ako ni Zoo nang ipinagbubuntis niya ang anak kong babae. Sinulyapan ko ang natutulog niyang nanay. "Huwag mong manahin ang maarteng ugali ng mama mo, baby, ha?"

"Psx!"

"Gising ka pa pala." Inihiga ko sa tabi niya si Baby saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

Tanging tunog nalang ng orasan ang naririnig ko. Tulog na ang mag-iina ko nang tuluyan kong matapos ang report para bukas.

Hihiga na sana ako nang si Rencelou naman ang umiiyak. Nakapikit na ang isang mata ko habang nagtitimpla ng gatas. Marunong naman siyang hawakan ang bote kaya hinayaan ko na. Aligaga parin ito kahit may gatas na kaya pinalitan ko na rin ang diaper.

"Ayan, okay na? Pwede ng matulog si papa."

Nasa kabilang parte ng kama si Zoo at nasa kabila rin ako. Nasa gitna ang dalawa naming baby.

KINABUKASAN. Tumatama na ang mainit na sikat ng araw sa mukha ko. Agad akong bumangon. "Sh*t! Anong oras na!" Wala na ang mag-iina ko sa tabi. Hindi man lang ako ginising. Mabilis lang akong naligo at nagbihis.

"Good morning."

"Good morning, Lola." Inisang higop ko ang kape saka bumalik sa taas. Naikot at nabuksan ko na lahat ng kwarto sa taas pero hindi ko parin makita si Zoo. Pati na rin sa baba at sa labas. Malelate na talaga ako nito! Nakita ko si mommy kaharap ang mga halaman niya. "Mom, where are they?"

Tumaas ang kilay ni mommy sakin at nakapamaywang pa. "Maaga silang bumaba. Pati si Zoorenz maaga niyang kinuha sa silid ko."

"Ha?"

"Baka uuwi ng San Lorenzo, may dala kasing bag para sa mga bata."

"What?!"

"Yeah, nag-away ba kayo?"

Nakaregister ang pangalan ni Lark sa screen ng cellphone ko. "Arrggg! Later mom, malelate na ako."

"Take care."

"Hello, Lark?" Wala nga ang sasakyan ni Zoo sa garahe pagkaalis ko. Saan naman kaya nagpunta yon. Si Zoo talaga nag-iinarte na naman.

[Nasaan ka na? Bro naman! Kanina pa naghihintay ang mga board members sa'tin.]

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon