56_ "nuti tutz!"

41.6K 568 75
                                    

LORENZ

"Lorenz? K-Kailangan kita........ n-nasan ka?"

Nakahiga ako sa sofa sa kwarto namin. Agad akong nagising nang marinig na tinawag ni Zoo ang pangalan ko. Tanging lampshade ang ilaw dito. Lumapit agad ako nang makitang pabaling-baling ang ulo niya. Ang mas malala ay umiiyak siya. "M-Mama.... Mama........"

"Zoo, wake up!"

Pero hindi siya nagising at ang mas matindi ay humahagulgol na. "Zooey!" Pinilit ko parin siyang gisingin pero ayaw niyang magising at panay ang pagtulo ng luha sa nakapikit niyang mata. Gusto ko ng lumabas ng kwarto at gisingin sila Mommy para humingi ng saklolo dahil natatakot na ako.

Hanggang sa humina ang paghagulgol niya. Pinasya kong punasan ang basa niyang noo dahil sa pawis at ang kanyang mukha. Sinalat ko na rin ang leeg niya baka nilalagnat pero okay naman ang temperatura niya. Nahagip pa ng paningin ko ang mga gasgas sa braso niya at higit sa lahat ang pamumula ng leeg niya dahil sa ginawa ni Enrico. Napatikom ako ng bibig nang maalala 'yon.

Dumaloy na naman ang masagang luha sa mga mata niya hanggang sa humagulgol na naman siya. "Mama... P-Papa......." Daing niyang nanghihingi ng tulong. Biglang naging marahas ang kamay niya na nanunulak sa kawalan. Baka napanaginipan niya ang nangyari sa hasyenda dahil ganitong-ganito siya noong naabutan ko sa kwarto na pinipilit ni Enrico.

"Zoo.........? Zooey!" Pinigilan ko ang kamay niya pero patuloy parin siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak ko. Nagwawala na siya at marahas na binabawi ang braso niya. "Zooey, please s-stop...." Mahigpit ko siyang niyakap sa kabila ng pagwawala niya. "Nandito lang ako, Zoo. Hindi kita iiwan," bulong ko. Naramdaman kong tumigil siya sa pagwawala at ngayon ay umiiyak nalang. "Zooey ko...."

"L-L-Lorenz?" Sinisinok at namamaos ang boses na tawag niya sakin. Parang batang patuloy siyang umiiyak sa dibdib ko.

Alam kong nasasaktan at nagkakaganito siya dahil sa mga pinagdadaanan niya. Gusto ko siyang tulungan dahil nasasaktan din akong makita siyang ganito na takot na takot. Gusto kong iparamdam sa kanya na nandito lang ako sa tabi niya. Hinaplos ko ang buhok niya, "Shhhhhh....... It's just a bad dream."

Naramdaman ko ang dalawang kamay niya na yumakap din sakin at mahigpit na kumapit sa damit ko. Parang hinaplos ang puso ko dahil sa yakap niya. Hindi mahigpit ang pagkakayakap niya pero sa kaalamang hindi na siya takot sakin ay nagdudulot na ng ibayong saya. Humina ang pag-iyak niya pero sinisinok parin siya. Pinasya kong tumayo para bumaba. "Lorenz!" Mabilis niyang turan. Mahigpit na hinila ang damit ko. "H-Huwag mo 'kong iwan," nakayukong saad niya.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil. "Kukuha lang ako ng tubig sandali."

Hindi siya sumagot kaya mabilis akong lumabas ng silid at bumaba sa kusina. Dala-dala ang isang pitsel ng tubig at baso na bumalik. Nakaupo na siya sa kama at nanatiling nakayuko habang madiin ang pagkakapit sa kumot. Nagsalin ako ng tubig sa baso at ipinainom sa kanya.

Nanatiling nakayuko parin siya. Pagtingin ko sa oras ay alas-onse pa ng gabi. Walang salitang iginiya ko siya pahiga. Ayoko munang tanungin ang tungkol sa napanaginipan niya dahil sa estado niya, alam kong hindi rin siya magsasalita. Hinalikan ko siya sa noo. "Goodnight."

"Ayokong mag-isa," aniyang mahigpit na hinawakan ako sa pulsuhan.

Tinanggal ko ang kamay niya at ipinaloob sa dalawa kong kamay. "Hindi ka nag-iisa Zoo dahil nandito ako," saad ko at yumuko para gawaran siya ng magaang halik sa noo. Gamit ang hinalalaki na tinuyo ko ang luha sa gilid ng nakapikit niyang mata. "Hindi kita iiwan, pangako 'yan," dagdag kong sabi. Nakahawak parin ako sa pisngi niya nang dumilat siya kaya nagkatinginan kami. Nagulat ako ng bigla gumalaw ang labi niya sa isang tipid na ngiti.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon