48 - him

38.4K 454 59
                                    

ZOOEY

Nilibot ko ang paligid ng munchies at hinanap ang bulto niya na nakita ko kanina rito sa parking space. Sigurado akong siya 'yon, si J! Maski anino niya hindi ko na nakita. Binuklat ko ulit ang nakatuping papel na inabot sakin ng waiter kanina sa pangatlong palapag ng munchies.

'I know who the f*ck Ivarra is and where the h*ll he is right now. I know a lot, just be mine again and I'll help you. You are mine Zooey Jade, only mine. Put that in your f*cking mind! File an annulment for your void marriage or I'll kill Lorenz Fuentebella and put the lives of the people around you in danger.'

Napalundag ako at kinabahan nang may bultong bigla nalang lumitaw sa harapan ko. Pagtingin ko siya lang pala.

"Hoy, asawa ni Lorenz Fuentebella, nakita mo ba si Francheska?" Maangas na tanong ni Jimboy sakin.

"Psx!"

"Astig, ah! Bakit marunong kang makipagbasagan ng mukha?" Tinapik pa niya ako sa balikat na parang matagal na kaming magkakilala.

"Para ihatid ang mga taong tulad mo sa impyerno."

Natigilan siya dahil matagal rumihestro sa isip niya ang ibig kong sabihin at biglang napangisi sa sagot ko. "Hindi parin ako makapaniwalang ikaw lang mag-isa ang tumumba sa toxic."

"Lalo naman ako," sabat ng isang tinig sa likuran ko.

"Lakas talaga ng loob mong gago ka! Sinasabi ko na nga ba't gagaguhin mo lang ang Francheska ko'ng hayop ka!" Kuyom ang kamao na baling ni Jimboy sa bagong dating.

"Tsk! Naiinggit ka na naman ba Jimboy boy?" Asar ni Jerome rito. "Kumusta ang mga kasama mo lalo na ang poisonous?" Nanunuyang dugtong turan nito.

"Tang*na mo, tarant*do!" asik nito kay Jerome at biglang ngumising nagpalipat-lipat ng tingin samin. "Buhay pa naman. Sa katunayan ay tauhan na sila ng mga bigating amo ng Toxic," aniya at binirahan kami ng alis. Nasundan ko nalang siya ng tingin. Tsk! Ang poisonous na siguro ang pumalit sa trabaho ng toxic. 

"Hi baby," nakangiting sabi ni Jerome sa likuran ko. "Anong ginagawa mo rito sa likod ng munchies? It's too dark here." 

Hindi ko siya sinagot. Kailangan ko pang tingnan ang kalagayan ni Lark. Naglakad ako at naramdaman ko naman ang pagsunod niya. "Anong nangyari kay Lark?" Tanong ko sa kanya sakaling may alam siya sa kasalukuyang kaguluhan sa parking lot. Sa pagmamadali kong maabutan at makita ang J na 'yan ay nakalimutan ko ng tignan ang kalagayan ni Lark.

"Hindi ko alam," aniya.

Tinotoo nga ng 'J' na 'yan ang sinabi niya sa sulat. Pesteng 'yan! Ano ba talaga ang kailangan niya sakin? Papatayin niya rin si Lorenz kung hindi ako makikipaghiwalay rito. Putragis! Ang gulo! Napakahiwaga talaga ng 'J' na 'yan. Alam niya kung sino at nasaan si Ivarra at sabi pa niyang marami siyang alam. "Peste!"

"Relax baby," sabi ni Jerome sa likod ko. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at naramdaman ko ang hininga niya malapit sa bandang tainga ko. "Everything will be okay," bulong niya sakin. Kalmadong nilingon ko siya para bigyan ng matinding siko sa tiyan na paniguradong ikasusuka niya ng dugo.

"Tss!" Dinig kong singhal sa harapan ko. Nabaling agad sa unahan ang tingin ko. Nakatayo si Engot sa harapan namin at nakatingin samin. Matalim na tumingin siya kay Jerome na nasa likuran ko at saka blanko ang mukha na tumingin sakin. "Uuwi na kami," aniya at mabilis na tinalikuran kami.

"Take care," pahabol na sigaw ni Jerome. Huminto si Engot at lumingon. Galit ang nakikita ko sa mata niya na diretsong tumingin sakin, pagkatapos ay sa balikat ko. Saka ko lang naalala ang kamay ni Jerome na kasalukuyan paring nakapatong sa balikat ko. "Bwahahahaha. Bye!" Mapang-asar na saad ni Jerome pagtalikod ni Engot. "P*ta!"

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon