39_ fourth box (toys with laughing gas)

45.3K 516 34
                                    

-LORENZ

"Kumain ka bro, baka ibaon kami sa lupa ni Zooey pag ginutom ka namin."

"Psk! Umuwi na nga tayo, baka nasa bahay na si Zoo! Hindi ba niya sinabi sa inyo kung saan siya pupunta?"

Kibit-balikat na sinagot ako ni Lark at Dexter. Nandito kami sa munchies trio. Silang dalawa ang nabungaran ko kanina paggising. Tinawagan sila ni Zoo para samahan ako.

'Saan na naman kaya nagpunta 'yon? Bwisit talaga!' Ang aga naman niyang umalis at hindi man lang ako hinintay na magising.

"Hoy!"

"Ano ba Dex!" singhal ko kay Dexter nang sigawan niya ako sa bandang tenga.

"Sabi ko, paano ka makakapunta sa anniversary ng CARG."

"Maiiwan ka nalang sa bahay. Sasabihin nalang namin sayo ang mangyayari bukas ng gabi," ani Lark.

Nananakit parin ang tuhod ko pero pipilitin ko maglakad makapunta lang bukas ng gabi. Uupo lang naman kami doon. "Pupunta ako."

"Seryoso ka, Partz? Tingnan mo nga yang tuhod mo, baka lumala lang yan don!"

"Susss! Magpapagod ka lang don, bro. Nahihirapan ka ng maglakad, pupunta ka parin bukas?!"

"Pucha partz! Ano, gagapang ka papunta don?" natatawang biro ni Dex sakin.

"Alalayan niyo ako malamang! Ano pa bang ibang gagawin ko don maliban sa manuod at umupo lang," sabi ko sa kanila.

"Hahahaha, ulol mo partz! Gagawin mo pa kaming alalay."

"Mukha ka kasing hardinero Dex kaya napagkakamalan kang alalay ni Renz. Magpagupit kana kasi," biro ni Lark.

"Isa ka pang ulol Lark." Hinawakan ni Dex ang buhok niyang korean-style ang pagkakagupit. Hinawakan niya rin ang buhok ni Lark. "Inggit ka lang!"

"Susss! Ang sabihin mo, yan ang gustong style ni Tricia kaya hindi mo pinapagupitan!" sigaw din ni Lark sa kanya.

Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa. Iniisip ko parin kung saan nagpunta si Zoo. Hindi ko siya masusundan dahil hindi ako makalakad. "Hanapin kaya natin si Zoo," sabi ko sa dalawang nagkukulitan parin, parang mga bata.

"Yan ba ang sinasabi mong mahal mo pa si Timmy? Kanina ka pa hindi mapakali diyan," ani Lark sakin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit nasali na naman si Timmy sa usapan?"

"Mga partz, alam niyo ba? May napapansin ako kay Timmy. Parang may n-nabago sa kanya," ani Dexter samin. Kapag talaga tungkol sa babae mabilis nitong mapansin.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon