69

34.2K 550 49
                                    

ZOOEY

"Ishoot mo naman mahal."

"Ayaw ngang mashoot--letse!"

"Gawin mo 'yong tinuro ko."

"Ginagawa ko naman! Ang kupad mo--bilis!" Sigaw ko sa kanya. Nakatayo ako sa may guhit para sa free throw at nagshoshoot habang si Lorenz ang tagahabol ng bola para sakin.

"Ito na nga, o."

"Aray!"

"Sh*t! I'm sorry mahal. Saan ang masakit?" Taranta niyang takbo patungo sakin at hinawakan ang mukha kong tinamaam ng bola.

"Tinatanong pa kung saan ang masakit. Bakit, saan ba ako tinamaan?!"

"S-Sa mukha."

"Psx! Ayon naman pala! Engot!" Padabog akong tumayo at dinampot ang bolang tumama sa mukha ko. Inis na ibinato ko ito sa ring. Pero tumalbog lang ang bola. Inis na humarap ako kay Lorenz. "Pagod ka na ba?"

Nakangiti siyang iniharap ulit ako sa ring at niyakap mula sa likod. "I will never get tired of teaching you, Zoo."

Kasama namin si Lark sa pagjojogging pero umuwi din agad dahil maaga ang pasok. Kami naman ni Lorenz ay dito dumiretso sa court. Nakipaglaro siya sa mga kabataan kanina habang nanunuod lang ako. Nang matapos sila at magsiuwian ang mga kabataan ay ako naman ang tinuruan niya.

"Tumagilid ka ng bahagya," aniya at iginaya patagilid ang katawan ko. Dumulas ang kamay niya patungo sa kanang hita ko. "Ito Mahal, iangat mo ng bahagya. Ang isang kamay ay para pangshoot at ang isa naman ay gamit pangsuporta. Ngayon, subukan mong magshoot ulit," bulong niya sa likuran ko.

Initsa ko ang bola pero sa sobrang lakas ng pagkakahagis ko ay bumangga lang sa pader ng ring at hindi nashoot. "Psx!" Inis kong tinignan ang bola na gumulong palayo. Hinabol na naman ito ni Lorenz.

Peste! Kapag nanunuod ako ay madali lang pero hindi pala. Kanina pa kami rito pero hindi ko parin matantiya! Kung hindi tatalbog sa ring ay hindi naman aabot at sa totoo lang ay nabibwisit na ako dahil nangangawit na ang kamay ko.

"Come on, you can do it." Inabot niya sakin ang bola at pumunta sa likuran ko. Hindi ko na pinapansin kung saan humahawak ang kamay niya dahil sa kagustuhan kong matuto. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at bumulong sa tainga ko. "Relax. Stay focus then shoot!"

Marahan kong inihagis ang bola at parang nagslow motion na lumusot sa ring. "Shoot!" Kakaibang tuwa ang naramdaman ko. Simula kanina ngayon pa lang ako nakahulog.

"Woah! Nice shot, Mahal. Pakiss nga ako!"

Itinapat ko ang kamao sa mukha niya. "Baka ito gusto mo ikiss?" Kanina pa 'ko tsinatsansingan nito hindi ko lang talaga binibigyan pansin. "Kunin mo 'yong bola!" Utos ko sa kanya at agad naman siyang tumalima.

"Here--oops! Agawin mo muna sakin," nakangising saad niya habang dinidrible ang bola. "Oops!" Pinalusot niya sa likuran ang bola mula sa nakabukakang paa. "Hahaha!"

"Psx! Akin na!" Inis kong sita. Sinubukan kong agawin pero hindi ko talaga makuha. Gamay na gamay niya ang paghahawak ng bola.

"Hahahaha!" Pinagtatawanan pa niya ako.

"Sasapakin kita--isa!"

"Dalawa!" Pang-aasar niya sakin.

"Hindi mo ibibigay?"

Seryosong tumigil siya at inabot sakin ang bola. Nang akmang kukunin ko ay bigla na naman niyang dinidrible. "Kiss muna," aniya. Nang-aasar na nginisihan pa ako.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon