77 - Trip

35.6K 598 89
                                    

LORENZ

"Engot!"

Pagtingin ko sa hagdan ay humagis patungo sakin ang isang bag mula sa taas. "Aww! A-Ano 'to, mahal?"

"Dalhin mo sa sasakyan."

"Oo--"

"Sandali! Ito pa!"

Humagis na naman ang isa pang bag--isa pa at isa pa--at may kasunod pa talaga. "Ang dami naman!"

Komportableng bumaba siya ng hagdan habang nakapamulsa pa samantalang ako hindi na magkandauga-uga sa limang bag na dala. Palihim kong iniwan ang dalawang bag, damit niya yon. Hehehe, dala ko naman lahat ng pinamili ko para sa kanya. Ang tatlong bag lang ang dinala ko, mga gamit ni Zoorenz.

"Partz!" Tumakbo patungo sakin si Dexter na may malaking ngiti sa mga labi. Halatang excited, naka sandong puti, shorts at sandugo slipper. "Pucha, partz! Hindi pa ba tayo aalis? Atat ng lumarga si Sasa, hehe."

Lumapit din samin si Lark. " 'Lang 'ya! May dalang bata si Xandrick, bro!"

Pinagtatawanan nila si Sasa na ikinulong ni Xandrick sa loob ng sasakyan. Nandoon din si Tricia sa tabi na tatawa-tawa sa dalawa. "Hahahaha."

"Engot!"

Napangiwi akong tumingin sa gulat na reaksiyon ni Lark at Dexter. "Oo! Ito na."

"Bilisan mo!"

"Hahahaha. Inaalila 'to ni Zooey, eh. Hahahaha." Tatawa-tawang saad ni Lark.

Ngumiti at nagkibit-balikat lang si Dexter. "I know the feeling, partz!" Bumaling siya kay Lark. "Manahimik ka nalang Lark, hindi mo pa kasi nararanasan ang magmahal kaya nasasabi mo yan."

"Pucha! Hindi mangyayari sakin yan Dex!"

"Hindi pa!" Mayabang na turan ni Dexter. "Baka nga maging mas malala ka pa samin, eh."

Hilakbot na umiling si Lark. "Ulol mo! Hindi ako magpapaalila sa mga babae tulad niyo."

"Sige lang, Lark. Pagtatawan kita kapag nangyari yon. Kita mo si Xandrick," sabay turo ni Dex kay Xandrick. "Napapasunod ni Sasa, kaya hindi rin malayong mangyari sayo yan--ulol mo rin!"

"Hindi Dex--"

"Tara na! Tara na! Hinihintay na nila tayo sa barko," sabat ko sa pagsasagutan nila nang makitang pinaninindilatan na ako ng mata ni Zoo. Nilagay ko na ang tatlong bag sa compartment ng kotse ko. Prenteng nakaupo sa loob si Zoo.

"What?!" Kinalabit ako ni Lark saka pumasok sa likod ng sasakyan. "Anong bang problema ni Lola--magbabarko tayo?"

"Oo nga!"

"Tinitipid tayo ng Lola niyo mga partz! Bwahaha," biro ni Dexter.

Magkakasama kami ni Zoo at Lark sa sasakyan ko at sa isa pang sasakyan sila Xandrick, Dexter, Sasa at Tricia. Kanina pa nauna sina Lola kasama sina Mommy at Zoorenz. Si Daddy ay susunod nalang dahil may inaasikaso pa.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon