42- jelly fishy

46.1K 552 56
                                    

ZOOEY

"Zoo."

Bumalik na kami sa condo ni Engot. Kinuha ko lang lahat ng gamit ko pati na rin gamit niya sa apartment ko dahil lilipat na kami rito.

"Mahal."

Pagkatapos ng nasaksihan, narinig at nakita ko ay hindi na kami ligtas sa apartment. Hindi naman ako natatakot para sa sarili ko dahil kaya ko naman sila. Natatakot ako para sa mga taong nakapaligid sakin, lalong lalo na si Engot at ang pamilya niya. Hindi na pwedeng mawala siya sa paningin ko dahil---

"Zoo."

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nasa kusina. Naririndi na ang tenga ko sa katatawag niya. Nakikita ko na nakakalakad naman siya gamit ang saklay pero panay tawag parin sakin. "Where is it?" Naglakad siya papalapit sakin galing kusina.

"Psx!"

"Nasaan na nga?" Tumabi siya ng upo sakin. Kinalabit na naman niya ako. "Hoy."

"Psx! Hindi ko nga dinala dahil pampagulo lang sa gamit ko yon! Bakit ba ang kulit mo?"

"Inuwi mo sana sakin," kunot-noong sabi niya.

"Aanhin mo ba kasi yon? Ibibili nalang kita kung gusto mo, letse!" Inis kong sabi sa kanya.

"Yon ang gusto ko eh," nakangusong sabi niya.

"Psx!" Pasaring ko siyang sinulyapan. Ang kulit lang! Nagpaulit-ulit na naman. Hindi tuloy ako makapanuod ng balita. Pareho kaming napalingon sa pinto nang may malakas na kumatok o mas tamang sabihin na kalampag. Pinigilan ko si Engot nang akmang tatayo. "Ako na." Sinilip ko muna kung sino ang nasa labas. "Psx! Mga impakto!" Inis kong bulong. Mga kaibigan niya ang nasa labas. Mas lalong nakakabwisit ang uri ng ngiti ni Lark at Dexter.

"Good morning!" masayang bungad ng dalawa sakin. Nakangising itinaas ni Dexter ang isang plastic na hawak at ipinakita kay Engot. Si Xandrick ay dumiretso na papasok at umupo sa sofa.

"Oh, nakasimangot ka yata bro?" ani Lark sa kanya. Humawak ito sa tiyan at nilingon ako. "Congrats ulit, Zooey. Wala bang libreng pagkain diyan?"

"Nasa kusina," sagot ko. Ano na naman kayang kalokohan ang nasa isip ng mga 'to. "Ano 'yan?" Nilingon ko ang bitbit na plastic bag na hawak ni Dexter. Nanlaki ang mata niyang tumingin sakin at agad itinago ang hawak sa likod sabay iling ng maraming beses. "Psx!" Singhal ko sa kanya. Halatang may itinatago.

"Ah, ha-ha-ha, wala 'yan Zooey. A-Ano lang 'yan.....mga movie," nauutal na sabi ni Lark. Kunot-noong tinitigan ko siya dahil sa pagkakautal-utal niya. Tinapik niya sa balikat si Xandrick. "Di ba, Drick?"

"Tss!" tanging sagot ni Xandrick at sinamaan ng tingin si Dexter sabay iling.

"Ang aga-aga nandito na kayong tatlo. Ano ba kasi 'yan?!" inis na ring tanong ni Engot. Ika-ikang naglakad palapit kay Dexter. Nagtatakang tinignan ko ang huli nang biglang ngumisi sabay kindat kay Engot. Nakangisi siyang inilalayo kay engot ang hawak na plastic.

"That plastic bag serves as your starting point," ani Xandrick kay Engot. Tumayo ito at naglakad patungong kusina. "I'm famish."

"T-Tara na! Nagugutom na rin ako. Tara na mga bro," pamamagitna ni Lark kay Engot at Dexter. Tinitigan kong mabuti ang plastic. Mga cd's nga ang laman dahil bumabakat naman ito sa plastic. Bakit kailangan pa nilang itago. Mga may katok.

"Maha--"

"Psx! Wala nga!" Inis kong sabi kay Engot nang akmang magsasalita na naman siya.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon