28_ Him

44.3K 480 13
                                    

_ZOOEY

"Tumupad ka sa usapan natin, Martin."

Nandito kami sa basement ng bahay ni Kenneth kung saan namin ikinulong ang kanang kamay ni Tres. Pinakawalan na namin si Martin dahil darating na si Edmundo bukas. Miyerkules na rin ngayon.

Hinawakan ni Kenneth si Martin sa kwelyo. "Alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari sayo kung tatraydurin mo kami?"

Seryosong tumango si Martin. "Itatawag ko sa inyo ang lahat ng detalye sa magaganap sa sabado." Tumingin naman siya sakin at bumagsik ang mukha. "Siguraduhin mo lang na mapapabagsak mo siya."

"Psx! Ibabaon ko pa siya sa lupa kung maaari."

Napahinga siya ng malalim. "Kaya kitang dalhin papalapit mismo sa kanya kahit marami siyang tauhang kadikit. Pero kung yong apat lang ang back-up mo ay baka mahihirapan parin kayo sa paglabas at wala na akong maitutulong doon."

"Kami ng bahala diyan. Basta gumawa ka lang ng paraan na mailayo ang hayop na yon sa mga bantay niya," sabi ko sa kanya. Kami lang ni Wayne at Kenneth ang nandito. May trinabaho sila Andrew at Jairus ngayon sabi ni Wayne.

Hinatid na namin si Martin hanggang sa labas ng bahay ni Kenneth. "Zooey," tawag niya sakin. Bakas ang pag-asa sa mukha. "Basta ipangako mo rin na ikaw na ang bahala sa dalawa kong anak sakaling may mangyari sakin."

"Psx! Walang mangyayari sayo kung susunod ka lang sa plano."

"Ang mga anak ko--"

"May mangyayari talaga sayo ngayundin kung hindi ka pa aalis," banta ko sa kanya. Napabuntong-hiningang yumuko siya. Kaya niya ako tutulungan ay dahil gusto na rin niyang makawala kay Edmundo. Ang mamuhay ng normal kasama ang mga anak. Marami siyang alam sa mga kasamaan ni Edmundo at dahil doon ay hindi siya basta-basta makakaalis. Ayaw naman niyang magsumbong sa mga pulis. Maski ako ay walang tiwala sa mga pulis na yan. "Umalis kana," taboy ko kay Martin. Tumango siya at umalis na. "Aalis na rin ako," paalam ko sa dalawa at nagtuloy-tuloy papasok sa kotse ko. 

"Zj," tawag ni Kenneth sakin. Naglakad siya papalapit kasama si Wayne. "Paano yong sinabi ni Martin tungkol sa mga tauhan ni Edmundo. Apat lang kaming back-up mo. Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan natin pero kasi--tama siya. Hindi naman tayo pwedeng magsama ng trainee doon."

"May iba tayong makakasama doon at pito sila," saad ko. Nganunot ang noo ni Wayne. "Natatandaan niyo ba yong lalaking tinulungan niyo sa harap ng bahay nila Silverio? Sila ang makakasama natin."

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon