50 _ abduct

37.1K 448 50
                                    


ZOOEY

Pagod na humiga ako sa sofa at ipinatong ang braso sa noo ko. Hinayaan kong maglandas ang luha sa mata ko habang nakapikit. Naramdaman ko ang sobrang pagod hindi lang sa katawan kundi pati ang pakiramdam ko.

'The game is over.'

'Let's e-end all of this shit.'

'I wanna start again with Timmy.'

Gusto kong matulog pero naririnig ko parin sa isip ko ang mga sinabi ni Engot. Naguguluhan ako sa nangyayari sakin dahil ngayon ko lang 'to naranasan. Gusto kong magwala pero nanghihina ako dahil sa kawalan ng tulog. Dumilat ako dahil sa tilaok ng manok. Pagtingin ko sa nakabukas paring pinto ay maliwanag na pala. Maliwanag na pero hindi parin nawawala ang bigat ng pakiramdam ko.

"B-Bahala na." Kusang tumayo ang katawan ko at lumabas ng apartment. Hinanap ko pa kung saan ko pinarada ang kotse gayong naiwan ko pala sa Bullet. Nakarating ako sa condo unit ni Engot dahil hinarang ko ang kotseng nakasalubong at tinakot ang may edad ng lalaki na nagmamaneho nito para ihatid ako.

Ngayon ay nandito na ako sa tapat ng pinto. Tahimik ang loob pagpasok ko. Nagulat pa si Timmy na kalalabas lang ng kwarto nang makita ako. "What are you doing here?!" Masama ang tingin na sita niya sakin. "Ang kapal naman ng mukha mong bumalik pa rito!" Mahinang sigaw niya.

"Dito ako nakatira," balewalang sagot ko rito at hindi na pinansin. Naglakad ako patungo sa kwarto pero hinarangan ako nito at pahablot na hinawakan sa braso.

"Anong gagawin mo? Tulog pa si Lorenz and I'm pretty sure, palalayasin ka rin niya kung gising man siya kaya umalis kana!" Hinahatak niya ako palayo sa pinto. Hindi ako nagpatinag at binigyan lang siya ng blankong tingin. "Look at you," aniya at nandidiring tinignan ang kabuuan ko. Tinakpan niya ang ilong niya. "I wonder kung paano ka nakapasok dito. You don't belong here! Look at yourself in the mirror. You looked haggard and you stink!"

Hinila ko ang braso kong pilit niyang hinahatak. "Bitiwan mo 'ko," kalmado ko paring turan.

"Umalis kana!" Gamit ang dalawang kamay na hinihila niya ako palabas pero hindi naman ako natinag. Hanggang sa ang damit ko na ang hinawakan niya at siyang hinila.

"Bitiwan mo sabi ako, eh!" Isang malakas na paghila ang ginawa ko kaya napasama siya at mahinang naitulak sa pinto. "Namumuro kana sakin baka--"

"Baka ano?" Mahinang tanong ng lalaing nakatayo na sa nakabukas ng pinto ng kwarto. Tuluyan na siyang lumabas at lumapit samin habang malamig tingin sakin. "Sasaktan mo siya?"

"Enz," umiiyak si Timmy na nakaupo sa sahig. "Sinaktan niya ko."

"Wala akong ginawa sayo," madiing sabi ko rito pero na kay Engot ang paningin.

"You p-pushed m-me!" Umiiyak na sigaw niya sakin at biglang humagulgol. "And e-even try to p-punch me."

"What--" Matalim ang tingin na bumaling sakin si Engot.

"And she s-said that she will b-beat me to death when our path cross outside your condo," nanginginig ang boses na sumbong ni Timmy. Napakuyom ako ng kamao dahil sa mga sinasabi nito. Nakikita ko ang galit at pagtiim-bagang ni Engot. "E-Enz...." anito na animo takot na takot.

"Tumigil kana!" Sigaw ko sa rito. Kanina lang ang tatag ng boses nito nang hatakin ako pero ngayon ay basag na basag na, napakaiyakin!

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon