16_mall

55.8K 665 28
                                    

ZOOEY

"Letse! Ang tagal naman umuwi ni engot!" 

"Ahekhekhekhek....mm-ma" 

"Psx! Isa ka pa! Ang tigas ng ulo mo! Hindi nga ako ang mama mo!" 

"Ma..m-m-ma." Itinaas ni Zoorenz ang mga kamay niya, nagpapabuhat.

Kainis! Nababagot na ko dito sa loob. Ayoko lumabas ng kwarto dahil andyan ang lola nila engot. Hindi naman yon nakakatakot, napakamausisa lang. Kanina pagkatapos kumain ay halos hindi matapos tapos ang tanong sakin. Pati mga paborito ko inusisa pa! Kung hindi pa may tumawag kanina sa kanya ay hindi matatapos ang mga tanong niya. Ang mommy naman ni engot ang humawak sa bata. Saka lang ako napunta dito sa kwarto nung umalis siya. Nagugutom na ako. Bwisit! 

*krinnnnngggggg*

~Wayne calling

"Ano?" 

(Kumusta ang baby? hahahaha )

"P*ste! Anong gagawin ko sa batang to?!" 

(Kukunin ko nalang yan. Nasa bahay kana ba nila Lorenz?)

"Oo!"

(Oh kumusta naman? Okay ka lang ba diyan? Hanggang kailan daw kayo mananatili diyan?)

"Ewan ko. May nakuha ka na bang impormasyon? Anong balita diyan? Nasa linksys kaba?"

(Oo. Okay lang naman dito. Pupuntahan ko pa mamaya yong nakuha kong address.)

Kumabog bigla ng malakas ang dibdib ko, "A-Anong address? Nino?" 

Narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya. (Ni Silverio Smith.)

"Sasama ako. Mamayang gabi ba?" 

(Ikaw ang bahala pero pano ka makakaalis diyan ng gabi. Panigurado magtataka ang pamilya ni Lorenz. )

"Psx! At sinong may sabing magpapaalam pa ako? Anong silbi ng training ko diyan kung di ko magagamit. Tatakas nalang ako basta hintayin mo ko dahil sasama ako. " 

Napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok na ang kanina ko pa hinihintay. Salubong pa ang kilay na tumingin siya sakin bago kinuha si baby at kinarga.

(Hahaha. Oo nga pala, sa bintana ka pala dumadaan dati sa inyo kapag tumatakas ka. Hihintayin nalang kita sa park.)

"Sige. Bye." Hinarap ko si Engot na kapapasok lang ng pinto. "Ang tagal mo naman!" inis kong sabi sa kanya.

"Sino yong kausap mo?" salubong parin ang kilay na sabi niya sakin.

"Wala." 

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon