71

35.7K 485 55
                                    

LORENZ

Malakas na katok sa pinto ang nagpaigtad sakin. Pinihit nito ang seradura pero nakalocked kaya kinalabog na naman ng katok.

"Engot!"

"Sandali lang Mahal!"

"Ang tagal mo naman!" Reklamo niya at pinihit na naman ang seradura. "Hoy!"

Nagmadali akong naghanap ng damit na isusuot. Kanina pa ako rito sa harap ng closet pero wala akong mapiling isusuot at kanina parin yan pabalik-balik sa pagkatok si Zoo.

"Engot!" Isang malakas na kalabog sa pinto. "Bubuksan mo ba o sisirain ko 'tong pinto. Isa!"

"I love you Zooey!" Sigaw ko habang tinataas ang kulay asul na polo. Maganda sana kaso gusot!

Kumalabog na naman ang pinto. "Dalawa!"

"Oo, heto na nga!" Pabato kong tinapon ang polo at hinalukay pa ang ilang nakahanger kong polo shirt. Nang kumalabog ang pinto sa pangatlong pagkakataon ay nagkukumahog na ako sa pagbukas nito.

"Tat--" Napatigil siya. Salubong na ang kilay. "Ang kupad mo talaga!"

"Eh, sa wala akong mahanap na isusuot."

Nag-angat siya ng tingin at bahagya pang nagulat. Kita ko ang paglunok niya kasabay ng pag-iwas ng tingin. "Sa dami ng d-damit mo, wala kang m-mapili?"

"Tulungan mo 'ko."

"Psx!" aniyang pasulyap-sulyap sakin. Wala akong pang-itaas dahil wala nga akong mahanap isuot. Aaminin kong natatawa ako sa kanya. 'Nahihiya siya obviously dahil hindi siya makatingin sakin. Hahaha!'

"Sige na mahal, please." Lumapit ako sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ay ako na ang pinakagwapong nilalang sa balat ng lupa dahil nahihiya sakin si Zoo.

"Anong malay ko diyan!" aniya pero naglakad naman sa harap ng closet ko habang naapakan pa ang ilang piraso ng damit na nasa sahig, yong mga sinukat ko at basta nalang itinapon kapag hindi nagustuhan. Basta nalang siya kumuha ng isang T-shirt na nakahanger at ibinato sakin. "O!"

Sinuri ko ang ibinato niya. "Pumili ka ng iba."

"Arte mo!" sita niya pero may inabot na naman sakin.

Umiling ako sa inabot niya. Balak pa yata niya akong pagsanduhin sa simbahan. Magsisimba kami, pakana ni Lola Moni. Nakabihis na sila lahat sa baba at kami nalang ang hinihintay. Panay iling ako sa mga pinapakita ni Zoo. Walang siyang taste pumili.

"Taragis! Ayoko na!" Nayayamot niyang bulalas. Lahat kasi ng pinakita niya ay hindi ko magustuhan. Nakalabas na lahat ng damit ko sa kama. "Huwag ka ng magdamit!"

Mula sa pagkakaupo sa kama ay tumayo ako at lumapit sa kanya. "Sigurado ka Mahal?" Gulat siyang humarap sakin. Itinukod ko ang kamay sa ibabaw ng balikat niya Napasandal na siya sa pinto ng closet ko habang natatangang nakatingin sakin. "Ayos lang sayo na ganito ako sa simbahan?" Bulong ko sa kanya.

Natulala siya at mukhang hindi alam ang gagawin. "A-Ah . . . e-eh, a-ano . . . "

"Let's go then." Inakbayan ko siya at akmang aakayin palabas nang alisin niya ang kamay ko.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon