34_ 'baliw'

42K 543 33
                                    

Hi, Viciousmending :)

------------------------------------------------------------------------------

-ZOOEY

Gising na ang diwa ko pero nanatili paring nakapikit ang mata ko. Pagod ang katawan ko dahil sa nangyari kagabi at masakit din ang ang tiyan ko dahil sa tama ng bala. Maswerte na ako at daplis lang sa tiyan ang nakuha.

Nagpasya akong bumangon na. Tube na itim lang ang pang-itaas ko at tanging dibdib ko lang natatakpan. Kinuha ang jacket sa gilid at siyang ipinantakip ko sa katawan.

Naglakad ako palabas sa kabila ng nararamdamang sakit. Nakakaramdam na rin kasi ako ng gutom dahil tanghali na pala. Napalingon silang lahat sakin paglabas ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Sinalubong ako ni Wayne at inalalayan.

"Umuwi na muna kayo," sabi ko sa kanila.

"Pero paano ka? Kaya mo ba?" Nag-aalalang tanong ni Andrew.

"Bakit naman hindi? Nandito naman ako," maagap na sabat ng kung sinuman sa likuran nila. Napalingon ako at nangunot ang noo. Nandito na pala si Engot.

"Sige na, umuwi na kayo." Tinignan ko sila isa-isa at ipinakitang ayos na ang pakiramdam ko kahit hindi. "Kailangan niyo ring magpahinga."

Nag-aatubili naman silang tumango. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya," sabi ni Wayne kay Engot.

"Of course! Umalis na kayo," nakasimangot na sagot ni Engot.

"Babalik nalang kami---" andrew

"Kahit hindi na," putol ni Engot.

"Tsk!" Nakangising umiling si Kenneth habang nakatingin kay Engot at sumunod na palabas sa kanila ni Andrew at Jairus. "Take care," mahinang sabi ni Wayne. Namalayan ko nalang na nakadampi na ang pisngi niya sa pisngi ko.

Hinatid ko sila ng tingin palabas. Pagtalikod ko pa ay ang nakasimangot na mukha ni Engot ang nakita ko. "Ano ba?! Tsk!" saway ko sa kanya. Nakataas ang kamay niyang may panyo at kiniskis ang pisngi ko.

"Bacteria yon," aniya.

"Bakit ka nandito?"  

"Bakit nga ba ako nandito, bakit hindi mo ako sinundo? Sinungaling ka," panunumbat niya. Hindi naman ako sumagot at naglakad papuntang kusina. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang dahilan. "Alam mo ba kung ilang oras akong naghintay sayo?" Nakasunod na siya sakin.

"Hindi."

"Natural kasi wala ka don," aniya.

"Alam mo pala, eh, bakit nagtatanong ka pa? Engot talaga." Umupo ako at tinignan siya. "Nagugutom ako."

Kumuha siya ng plato at inilagay sa harap ko. "Naghintay ako sayo sa labas hanggang umaga. Doon na nga ako nakatulog. Hindi ka man lang tumawag para sana hindi na ako naghintay pa."

"Ang sabi ko susunduin kita. Hindi ko sinabing maghintay ka sa labas."

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon