67

40.3K 541 60
                                    

ZOOEY

"Bilis-bilisan mo kung ayaw mong iwan kita. Napakabagal mong kumilos."

Kanina pa ko nandito sa sasakyan at hinihintay si Engot na lumabas ng bahay. Ngayon araw na 'to ko siya tuturuan pero napakabagal kumilos kaya tinanghali na kaming pupunta sa linksys. Ayoko pa naman ang pinaghihintay ako.

"Anong nangyari sa mata mo?" Pagpansin ko sa namamagang mata niya na inaantok pang umupo sa tabi ko saka sinarado ang pinto.

Tinatamad siyang bumaling sakin. "Ano nga bang nangyari sakin, Zooey? Baka hindi mo ko pinagbuksan ng pinto kagabi kaya puyat ako. Hinintay ko pa namang lumayas si Lola sa kwarto mo."

'Yon lang?'

"Psx!"

Ang bodyguard ni Zoorenz ang nagbukas ng gate samin palabas. Nagmamaneho na ako papuntang Linksys. Ang alam sa bahay ay sa gym kami pupunta dahil ayokong banggitin ang pangalang Linksys. Nalihim rin sa bahay ang nangyari samin ni Lark dahil maski si Lark mismo ayaw magsalita.

May ulong pumatong sa balikat ko. "Bagalan mo naman ang pagpapatakbo," ani Engot sa tabi ko. Binagalan ko naman gaya ng sabi niya. Mas lalo kaming matatagalan nito. "Mahal?" aniyang nanghihikab pa saka mas umurong papalapit sakin.

"Engot kasi!" Bulong ko. Sino ba kasing nagsabi sa kanyang maghintay at magpuyat? Psx!

"Mahal."

"Ano?!"

"Can I ask for a favor?"

"Ano naman 'yon?"

"Since girlfriend na kita, pwede bang huwag mo na akong tawaging Engot?"

"Psx!"

"Marami ka namang pwedeng itawag sakin bakit 'yon pa? Sa tuwing tinatawag mo 'kong Engot pakiramdam ko ang bobo-bobo ko," aniya.

"Tatawagin ba kitang Engot kung hindi ka eengot-engot?" Pambabara ko sa kanya. Nakita ko na naman ang pagsimangot niya nang nilingon ko. "O, eh anong gusto mong itawag ko sayo?"

"Baby," mabilis niyang tugon na ngumiti rin agad.

"Eh?" Napangiwi akong nilingon siya na kasakukuyan paring nakasandal sa balikat ko.

"Hahaha. Pwede rin namang honey or honeybunch. O 'di kaya'y Babes, love, sweetheart o sweety, darling. Mamili ka lang."

"Psx!"

"You're my girlfriend now so, you should act like one. Maging sweet ka naman sakin. Puro ka pambabara."

"Psx!"

"Sige na mahal?"

"Ayoko!" Matigas kong tanggi. 'Siraulong to! Pagtatawanan ako sa Linksys kapag pinagbigyan ko siya.'

"Please please please please . . . " Walang tigil niyang sabi malapit sa mukha ko.

"Oo na! Oo na!" sigaw ko saka tinulak ang mukha niya palayo. "Letse!" Malinaw ko pang naaamoy ang amoy menthol niyang hininga. Nakakainis! Pero si Lorenz nginitian lang ako. Isang ngiting tagumpay ang nakapaskil sa mga labi niya. "Hindi na kita tatawaging engot pero hayaan mo akong pumili ng itatawag sayo."

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon