5 - Who's the boss?

60K 795 15
                                    

-LORENZ's pov

"Mmmmmm . . . " 

Bumangon ako para pumunta ng kusina dahil nauuhaw ako at para uminom ng gamot. Masakit ang ulo ko dahil sa hang-over. Paglabas pa lang ng kwarto ay parang may umaalingasaw na ang amoy ng nasusunog na niluluto. Medyo mainit din ang paligid. Pagtingin ko sa direksyon ng kusina. 

"What the--!" 

Tumakbo agad ako papunta don pagkakita sa maliit na usok. "Holy shit!" Mapapamura ka nalang talaga sa maabutan sa loob ng kusina. Bukas lang naman ang stove habang nakasalang pa ang kawaling nangangamoy sunog. Napakakalat ng kusina. Nakabukas pa ang refrigerator. Mabuti hindi ako nasunog. Mantika pa naman akong matulog.

Pinupulot ko ang mga nagkalat na shell ng itlog sa sahig. Napatigil ako bigla. Wala akong mantika. Paano niya niluto yong itlog? "Bwisit! Mamamatay ako ng maaga sa babaeng yon!"

Uminom na rin ako ng gamot pagkatapos. Hinilot hilot ko ang sentido habang nagpapahinga sa sala. Inilibot ko ng tingin yong sala, buti naman at walang kalat dito. Tumayo na ko at hinanap ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino yong tumatawag. 

"Hi mom, good morning."

(Morning? Ngayon ka lang ba nagising?)

Napatingin ako sa wallclock sa sala. Eleven forty-six na pala. "Hehehe. Alam niyo naman po diba na nasa bullet kami every friday night."

(Yeah. By the way, pinapatanong ng mama kung bakit 'di niyo daw siya dinadalaw dito ni Lark.)

"Okay naman po si Lola Moni kaya di na po kami napunta diyan."

(Bakit? Kapag may sakit ang Lola Moni niyo ay saka niyo lang dadalawin ni Lark?)

"O-Of course not!"

(Punta na kasi kayo dito baka magtampo na si Mama sa inyo.)

Katakot pa naman magtampo yon si lola Moni kasi di ka talaga kinikibo. Lalapit ka pa lang sisigawan ka na. "Sige po. Sasabihin ko po kay Lark."

(Sige. Magsabi kayo kung anong araw ha? Para makapagpaluto ako.)

"Opo."

(Sige na. Mukhang kagigising mo nga lang. Bye renz, Imiss you!)

"Hmm. Bye mom, miss you too," saad ko bago putulin ang linya. Tumayo na ko para maligo. Kailangan ko ng maghanda dahil papunta rito ang tatlong bugok. Papalapit na ko ng banyo nang matigilin. Basa ang sahig. Hindi ko nalang pinansin. Pagpasok sa banyo ay may nakaagaw na agad ng atensiyon ko. Iniangat ko yong maliit na piraso ng damit sa sahig.

"What's this?!"

Napangiwi ako. Kadiri naman ng babaeng yon. Itinabi ko sa gilid yong panty at iba pang damit niyang nagkalat sa loob. "Peste ka Zooey!" gigil kong sigaw. Nasa ayos naman ang lahat pero ang nasaid ang lama ng shampoo ko dahil nakatuwad. Pati ang sabon ay tunaw dahil nakababad sa tubig. "Burara!"

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon