91

24.1K 572 97
                                    

ZOOEY

"Mahal ko, gising."

'Engot?' Agad akong nagmulat ng mata para lang makita si Jairus na siyang bumubulong at maraming nakapalibot sakin. Lahat sila ay puti ang suot. Nasa likod sina Gustavo kasama ang mga alalay nila.

"Ano 'to?!"

Hinawakan ako ng mga doktor sa kamay at pinipigilan. Nagpupumiglas na naman ako. Nainis siguro yong isa sa kanila kaya hinablot ang buhok ko. Napangiwi ako sa sakit. Isang mahinang tunog kasunod ang pagluwang ng humawak sa buhok ko.

"Clean the room. Itapon ang mga basura na." Tumalima ang mga tauhan ni Gustavo sa iniutos niya. Hinila ng mga ito ang isang doktor palabas. Wala ng malay at may umaagos na dugo sa ulo. "Continue!"

Nanginginig pa ang kamay ng mga naiwang doktor na humahawak sakin. Pinagtutulungan nilang hawakan ang ulo ko. Naramdaman ko ang unti-unti pagbaon ng karayom sa leeg ko. "H-Huwag . . . " Nagpupumiglas ako pero sobrang dami nilang humahawak sakin.

"Boss! Boss! Napasok tayo!"

Kasunod ang pagkakagulo. Kanya-kanya silang labas. Mula rito ay rinig ang nagpuputukan sa labas.

"Sir Gustavo, may mga pulis sa labas!"

"I know! Ihanda mo ang chopper, Jimboy!"

"Wala sir, ginamit ni Sir Anton kahapon."

Napangisi ako sa kabila ng nararamdamang pamamanhid ng leeg. "Wala na kayong kawala."

"There's a chopper at the backyard sir. Galing kay Mr. Javier Villamor, a peace offer," ani Jairus. Kahit nakapikit ay alam ko kung sino ang nagsasalita mula sa mga boses nila. "There's no more time Mr. Ivarra," dagdag ni Jairus.

"Ok. Let's go!"

May kumarga sakin palabas. Dumilat ako para makita ang nangyayari. Nasa unahan ang mga alalay at si Gustavo kasama si Kenneth. Si Jairus ang kumakarga sakin.

Pagkakataon ko na para makawala. Hindi napansin ni Jairus ang pag-angat ng kamay ko patungo sa leeg niya. Napaigik siya nang may pinisil ako sa batok niya at binigyan siya ng isang mabilisang pagsiko sa tiyan.

"Follow her!" dinig kong utos ni Gustavo.

Tumakbo ako kahit saan. 'Hah! Ngayon ako naman ang makakatakas at gagamitin ang kahinaan niyo!' Alam kong hindi nila ako babarilin, lalong lalo na ni Gustavo at Jairus.

'P*ste! Gaano ba kalaki ang bahay na 'to? Ang daming pasikot-sikot!'

May nakita akong hagdan pababa at tinahak iyon. Mas malinaw ko ng naririnig ang putukan pagkababa. May nasalubong akong isa na nakikipagpalitan ng putok. Dinamba ko ito at hinawakan ang baril.

"Walang kwenta!" Siniko ko ang mukha nito at bagsak. Saktong naririnig ko na ang yabag ng mga humahabol sakin. Pinaputukan ko agad sila at paatras na naglakad. Nang makalayo ay saka ako tumakbo.

Bawat makakasalubong na kalaban ay binabaril ko agad. Tinahak ko ang isang diretsong daan. "Anong klaseng lugar to?" Ang hirap makalabas! Parang nagpapaikot-ikot lang ako.

"Yaaaah!" Sinugod ako ng suntok ng isang kalaban na nailagan ko naman. Isinuksok ko sa bewang ang baril at nakipagmano-mano ng suntok.  "Aahhhhh!" sigaw nito nang balian ko ng kamay.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon