35_ vault

45.7K 510 24
                                    

-ZOOEY

"Engot," tawag ko sa lalaking natutulog sa sahig. Hindi siya pwedeng tumabi sakin dahil masikip ang kama ko at baka masagi niya lang ang sugat ko. Sa sahig siya nakahiga at nagbanig lang ng comforter. Hindi ko alam kung bakit nagtitiis siyang humiga sa sahig kung pwede naman siyang doon matulog sa kanila at bumalik nalang dito tuwing umaga na.

Narinig kong may sumipol sa labas. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at dahan-dahang naglakad. Sinulyapan ko si Engot na mahimbing na natutulog bago ako lumabas. "Tulog mantika parin."

May sumipol ulit. Inis kong binuksan ang pinto at sinamaan ng tingin ang dalawang naghihintay sakin sa labas, si Kenneth at Andrew.

"Akala namin nakatulog kana," natatawang bungad sakin ni Andrew.

"Nasaan si Wayne at Jairus?"

"Nandon na. Alam mo namang ayaw nga nilang pasamahin ka," ani Kenneth.

"Mapilit ka lang talaga," panggagatong pa ni Andrew. "Tulog na ba ang epal mong kasama diyan?"

"Hanep magselos yon! Pinagsarhan ba naman kami ng pinto kahapon!" nakangising bulalas ni Andrew. Natatawang naglakad sila papunta sa sasakyan. Sumunod naman ako habang napailing pala.

Pagbalik nila rito kahapon ng umaga ay hindi sila nakapasok sa bahay ko. Pinagsarhan nga sila ni Engot kahapon ng pinto at hindi pinapasok. Bastos talaga ng lalaking yon. Pati sila Jerome kaninang umaga ay binagsakan din ng pinto at hindi nakapasok, kahit si Maring ay hindi rin nakapasok. Wala naman akong magagawa dahil hinusto ko na ang pagpapahinga. Ngayon ay hindi na masyadong kumikirot ang gilid ng tiyan ko.

Ilang oras lang ay nakarating na kami sa bahay ni Silverio. Ang sabi ni Francheska kay Jerome ay nasa singapore raw si Silverio para sa isa sa mga negosyo niya.

Tahimik kaming lima na nakapasok sa bahay nila. Ang dalawang gwardiya ay kasama ng mga katropa ni Jerome. Si Jerome naman ay nasa loob kasama ni Francheska.

Dumiretso kaming lima sa ikatlong palapag ng bahay nila. Nasa baba ang mga katulong at nasa silid naman sila Jerome at Francheska.

Tatlong silid lang ang nandito. Pero lingid sa kaalaman namin ay may isang silid pa pala kaming hindi napasok ni Wayne rito noong unang pasok namin. Isang lihim na silid na nasa loob mismo ng opisina ni Silverio. "Wow, ganda ng opisina ng loko ah!" bulalas ni Kenneth pagpasok namin sa gitnang silid. Binuksan pa niya lahat ng drawer na makita.

"Dalhin ko na kaya to!" sabi naman ni Andrew na ngayon ay hawak-hawak na ang nakaframe na logo ng CARG.

Lumapit si Kenneth dito at inagaw ang hawak nito. "G*go! Magnanakaw kana pala ngayon?"

Hindi ko na sila pinansin at nakisama kay Jairus at Wayne sa paghahanap ng lihim na pinto. Hinahawakan namin ang bawat dingding at sulok, tinitingnan kung may kakaiba.

"Gold ba 'to?"

"Tanga! Woaaah--shit!" bulalas naman ni Kenneth. Napalingon kaming tatlo sa kanilang dalawa. Hawak-hawak ni Andrew ang isang figurine na ginto. Pero mas nakuha ang pansin ko dahil sa likod nito, sa kinalalagyan ng kulay gintong figurine na yon ay may pulang button.

Pinindot ni Kenneth yon, biglang nahawi at bumukas ang kinalalagyan ng maraming trophy. Nagkatinginan kaming lima at nagpalitan ng makahulugang tingin. "Maiiwan kayong dalawa rito," pagpipigil ko sa dalawa nang mauna pa silang pumasok. 

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon